Monday , November 25 2024

Paggamit ng Pork Barrel, Malampaya at PSF idineklarang unconstitutional ng Supreme Court

00 Bulabugin JSY

SALAMAT sa deklarasyon ng KORTE SUPREMA.

Sa pagkahaba-habang panahon (mula noong panahon ni dating Pangulong Cory Aquino) sa wakas ay mayroon isang institusyon na nagkaroon ng lakas ng loob para sabihing ‘UNCONSTITUTIONAL’ ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o PORK BARREL.

Hindi po tayo abogado, pero gusto ko pong linawin na iba ‘yung UNCONSTITUTIONAL. Ibig sabihin po nito, mula sa simula ay hindi legal ang   pagpapatupad ng PORK BARREL.

Ito po ang ilang bahagi ng desisyon ng Supreme Court:

”In view of the constitutional violations discussed in this Decision, the Court hereby declares as UNCONSTITUTIONAL: (a) the entire 2013 PDAF Article; (b) all legal provisions of past and present Congressional Pork Barrel Laws, such as the previous PDAF and CDF Articles and the various Congressional Insertions, which authorize/d legislators—whether individually or collectively organized into committees—to intervene, assume or participate in any of the various post-enactment stages of the budget execution, such as but not limited to the areas of project identification, modification and revision of project identification, fund release and/or fund realignment, unrelated to the power of congressional oversight; (c) all legal provisions of past and present Congressional Pork Barrel laws, such as the previous PDAF and CDF Articles and the various Congressional Insertions, which confer/red personal, lump-sum allocations to legislators from which they are able to fund specific projects which they themselves determine; (d) all informal practices of similar import and effect, which the Court similarly deems to be acts of grave abuse of discretion amounting to lack or excess of discretion; and (e) the phrases (1) “and for such other purposes as may be hereafter directed by the President” under Section 8 of Presidential Decree No. 910 and (2) “to finance the priority infrastructure development projects” under Section 12 of PD 1869, as amended by PD 1993, for both failing the sufficient standard test in violation of the principle of non-delegability of legislative power.”

Ayan po kompleto po ‘yan kung bakit UNCONSTITUTIONAL ang PORK BARREL, maging ang DAP, ang paggamit sa MALAMPAYA funds kung hindi para sa enerhiya at iba pang uri ng Presidential Social Funds.

KLARO na po.

Ang tanong: MERON pa kayang tumakbong CONGRESSMAN o SENADOR ngayong idineklara na ng Supreme Court na ‘UNCONSTITUTIONAL’ ang PORK BARREL?!

‘E mantakin n’yo naman kung paano gumastos ang isang KANDIDATO kapag eleksiyon.

Bukod sa campaign strategy nila na gumagastos nang milyon-milyon ‘e meron pang VOTE BUYING para masiguro lang ang kanilang panalo.

NO WONDER dahil, malaki nga ang PORK BARREL. Kung congressman ay hindi kukulangin sa P70 million habang sa senador ay P200 milyones.

Grabe!

Tapos ang isa lang pala sa mga nakasambot sa ‘biyaya’ ng PORK BARREL ay si Janet Lim-Napoles imbes ‘yung mga tunay na benepisaryo sa hanay ng   batayang masa.

Pero huwag tayong magtaka kung isang araw ay makaisip na naman ng bagong ‘sistema’ ang mga henyo sa KONGRESO (sa mataas at mababang kapulungan) kung paano nila mailulusot ang bagong mukha ng PORK BARREL.

By the way, subukan n’yong mag-KONSEHAL sa QUEZON CITY, dahil ay IRA doon ay hindi kukulangin sa P50 milyones.

Pansamantala, sana ngayong wala nang PORK BARREL ay mailaan diretso sa SOCIAL SERVICES ang nasabing pondo …lalo na sa EDUKASYON, KALUSUGAN at GENUINE HOUSING PROJECTS.

PakiLINIS na rin muna ang mga ahensiyang pagdaraanan n’yan.

‘Yun lang po.

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *