Monday , November 25 2024

P37-M Shabu, Ecstacy huli sa Chinese couple

Arestado ang mag-asawang Chinese national matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Timog Avenue, Quezon City, Martes ng madaling araw.

Ayon kay Atty. Jac de Guzman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), isinagawa ang buy-bust operation sa tatlong-buwan pagmamanman kina Qiao Wen Jiang alyas Alan at Xiao Xia Chai alyas Angela.

Nakipagtransaksyon ang mag-asawa sa isang ahente na nagkunwaring bibili ng isang kilo ng shabu.

Pero nang mahuli ang mag-asawa, pitong kilo ng hinihinalang shabu ang narekober ng mga awtoridad na nagkakahalaga ng P35 milyon.

Nasamsam din sa Chinese couple ang hinihinalang ecstasy na nagkakahalaga ng P2 milyon.

Inaalam na ng PDEA kung miyembro ang mag-asawa ng malaking grupo na gumagawa at nagbebenta ng malakihang bulto ng shabu sa Metro Manila.

Nakakulong na ang dalawang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa Quezon City Prosecutor’s Office.

BULTO-BULTONG  SHABU NASAMSAM  SA MAKAKAPITBAHAY

VIGAN CITY – Bulto-bultong sachet ng shabu ang nakompiska sa apat na kabahayan sa Bgry. Ayusan Norte, Vigan City, Ilocos Sur.

Sinalakay ang mga bahay ng mga suspek sa bisa ng apat na search warrant na isinilbi ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police, Ilocos Sur Police Provincial Office at Philippine Drug Enforcement Agency.

Unang ni-raid ang bahay ni Analisa dela Rosa at nakompiska ang dalawang sachet ng naglalaman ng shabu at ilang drug paraphernalia.

Sumunod na pinasok ang kapitbahay ni Dela Rosa na si Fely Alimao at narekober ang 19 plastic sachet ng shabu.

Hindi rin nakaligtas ang isa pa nilang kapitbahay na si Edgar Aruejo na nakompiskahan din ng 22 maliliit na plastic sachet ng shabu.

Huling isinilbi ang search warrant sa bahay nina Jesmael Aruejo at Nicole Jane Aruejo na nakompiskahan naman ng apat na plastic sachet ng shabu.

KELOT, MINOR TIKLO SA BUY-BUST

TIKLO ang isang 29-anyos na lalaki at isang menor de edad sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drug Special Operations Task Group (SAID-STOG) ng Taguig police kamakalawa ng hapon sa nasabing lungsod .

Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Fausto Carl Basco, Jr., at ang 17-anyos na itinago sa pangalang Mike, na nagtangkang lumaban  sa mga tauhan ni Chief Insp. Jerry Amindalan, hepe ng SAID-STOG sa isinagawang pagsalakay dakong 5:00 ng hapon sa Blk 4, Lot 1 Phase 2, Brgy. Pinagsama.

Ayon sa ulat ni PO3 Elric Valle, ilang linggo nang minamanmanan ng mga tauhan ng SAID-STOG ang aktibidad ng dalawa dahil sa  pagtutulak ng ipinagbabawal na droga sa lugar.

Agad inaresto ng pulisya ang suspek at kasabwat na menor de edad nang aktong tinatanggap ni Basco ang P1,000 markadong pera sa pulis na nagpanggap na buyer.

Bukod sa markadong salapi, nakuha rin sa dalawa ang lima pang sachet ng shabu, mga paraphernalia at isang magazine ng kalibre .45 baril.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Art. II Section 5 at 11 ng R.A. 9165  si Basco habang isinailalim naman sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development ang menor de edad.     (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *