ANG tinutukoy po nating MASA ay ‘yung Manila Action and Special Assignment (MASA) na nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng Manila City Hall.
Gusto nga nating tanungin kung itong MASA ba ay parang isang city hall police detachment pa ba?
Kung hindi tayo nagkakamali, matagal nang ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) ang pagbuwag sa mga city hall police detachment dahil nagagamit umano sa politika ang mga pulis na supposedly ay civilian ang orientation.
Bukod sa nagagamit sa politika, mayroon pang mga karanasan na nagagamit sa pangongo-TONG.
Kaya gusto natin tanungin si MASA head, Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr., kung namo-MONITOR ba niya talaga ang GALAW ng mga tao niya?!
Alam kaya niya na isang PULIS niya na kung tawagin ay alyas RASON ay may kolek-TONG na mahina ang P300K kada linggo mula sa mga KTV club bar at sauna sa buong Maynila na mahina ang P5,000 at P3,000 kada linggo sa mga fun houses.
Mahina nga raw ang P300k a week ang kolektong sa mga club.
Itinatanong natin ito kay Major Irinco, dahil lagi raw siyang nariringgan ng SAD STORIES …
Totoo ba ‘yan Major Irinco?!
Bakit SAD STORIES? Puro bukol ka ba? O magaling ka lang umarte!?
Just asking lang po…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com