NEW YORK – Hinatulang guilty ng korte sa New York ang dating aide ni former First Lady Imelda Marcos, kaugnay sa pagbebenta ng mamahaling Monet painting.
Ayon sa New York District Attorney’s Office, guilty si Vilma Bautista, 75, sa conspiracy at nakatakdang ilabas ang sentensya laban sa kanya sa darating na mga araw.
“Bautista was found guilty of attempting to sell art she had possessed secretly for decades and knew to be stolen, and for selling a looted museum-quality painting for her personal enrichment,” ani Manhattan District Attorney Cyrus Vance Jr.
Si Bautista na nagsilbing secretary ni Mrs. Marcos ay nagbenta ng Claude Monet painting na “Footbridge over the Water Lily Pond” sa London gallery noong 2010 sa halagang $32 million.
Ang naturang painting ay isa sa mga koleksyon ng dating First Lady noong nasa pwesto pa ang asawang si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ngunit matapos ang 1986 People Power revolution na nagpatalsik kay Marcos, naglaho ang nasabing painting.
Iginiit naman ng gobyerno ng Filipinas na bawiin ang nasabing painting.
Ayon sa korte, alam ni Bautista na binabawi ng gobyerno ang painting dahil apat sa naturang mga painting ay nasa kanyang posisyon.
“Bautista was found to be aware of and monitoring this campaign, even as she possessed some of the valuable works of art,” ayon sa District Attorney’s Office.
Gamit ang mga pekeng dokumento ay naibenta ni Bautista ang painting sa London gallery.
Ang naturang painting ay nabili naman ng British billionaire na si Alan Howard na kamakailan ay nagbayad upang hindi mabawi sa kanyang posisyon ang mamahaling Monet painting.