Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

65-anyos Australiano nahulog sa hagdan, patay

PATAY ang isang 65-anyos Australian national makaraan mahulog sa hagdan ng kanilang bahay sa Muntinlupa City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Konrad Reghberger, 65, na hindi na naisugod sa pagamutan makaraang ideklara ng mga rumespondeng tauhan ng Muntinlupa Rescue Team na hindi na humihinga,  dakong 1:20 ng madaling araw, nang matagpuang duguan sa paanan ng hagdanan sa 14 Main Drive, Mintcor Town Homes, Barangay Cupang.

Ani Muntinlupa police chief S/Supt. Roque Eduardo Vega, nakita ang duguang katawan ng biktima ng kanyang common-law-wife na si Flordeliza Villarama-Reghberger, 63.

Sa ulat, biglang nagising ang ginang nang makarinig ng kalabog at nagulat na lamang si Flordeliza nang makita ang ka-live-in na nakahandusay sa paanan ng hagdan kaya’t agad niyang ipinaalam ang pangyayari sa mga security guard na tumawag sa Rescue Team.

Ani SPO1 Richard Bagoyo, imbestigador, hihintayin nila ang resulta ng awtopsiya ni Reghberger. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …