Sunday , November 24 2024

Local officials iimbestigahan — Utos ni PNoy (Sa typhoon hit areas)

111913_FRONT
PINAIIMBESTIGAHAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang posibleng kapabayaan ng mga lokal na opisyal kaya napakalawak ng naging pinsala at libo-libo ang namatay sa hagupit ng bagyong Yolanda sa Easter Visayas.

“That is a matter that is subject of investigation. I’d rather have the investigation finished before I accused anybody,” anang Pangulo sa panayam kahapon sa Palo, Leyte.

Katwiran niya, nakapagtataka na nakapagtala ng zero casualty sa ilang probinsya sa Eastern Visayas habang sa Leyte ay umabot sa libo-libo ang mga namatay kahit pa pareho naman ng kaalaman at impormasyon ang ibinigay sa kanila ng pambansang pamahalaan hinggil sa pagdating ng super typhoon

“For instance, in terms of storm surges we have a 36,000-km coastline. You want to map every area and try to model if a storm comes at this velocity, how does the contour of the area have on the beaches look like so that you would know the magnitude of storm surges and their effects on the inland portions? That has to be handled also. A lot of relocating efforts also, which is actually being undertaken already,” paliwanag pa niya.

ni ROSE NOVENARIO

17,000 KATAO MISSING PA RIN SA REGION 8

UMAABOT pa sa 17,821 ang nawawala sa Region-8 makalipas ang 10 araw matapos na manalasa ang supertyphoon Yolanda.

Ngunit agad nilinaw ni Office of Civil Defense (OCD) Regional Director Rey Gozon, ang naturang bilang ay hindi naman ibig sabihin na dapat na silang idagdag sa naging casualties.

Maaari aniyang ang dahilan ay dahil walang contact o kaya lumisan na papunta sa ibang lugar.

Hanggang ngayon, ayon kay Gozon, pahirapan pa rin ang pagtala ng official count dahil walang maayos na signal ng cellphone at wala ring internet.

MARAMING BANGKAY HINDI PA NAREREKOBER

TACLOBAN CITY – Aminado si Tacloban City Vice Mayor Jerry Yaokasin na marami pa ring mga bangkay na iniwan ng supertyphoon Yolanda ang hindi pa rin narerekober.

Sinabi ng opisyal, magandang pagkakataon na nasa syudad si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III upang pag-ibayuhin ang clearing operations.

Aniya, marami pa ring mga gumuhong istruktura ang dapat pang isailalim sa clearing operations kung kaya’t posibleng nakabaon ang iba pang missing na mga residente.

Binigyan ng pagkilala ng opisyal ang ginagawang tulong ng MMDA rescue team, habang nasa Tacloban na rin ang ilang mining companies na nagpadala rin ng teams dala ang heavy equipments.

Tumutulong na rin ang iba pang NGO’s kaya nagiging mas madali na ngayon ang clearing operations, 10 araw makalipas na tumama ang kalamidad.

YOLANDA SURVIVORS TUMIRA SA KWEBA

MERCEDES, Samar – Ang ilang mga survivor sa pananalasa ng super typhoon Yolanda ay natitiyaga na lamang na tumira sa mga kweba matapos mawasak ang kanilang bahay sa nasabing malakas na bagyo.

Si Manuel Isquierdo, 38, at ang kanyang misis ay nagkanlong sa limestone den matapos salantain ng bagyong Yolanda ang bayan ng Mercedes sa Samar, kabilang ang kanilang mga kabuhayan.

Ayon kay Isquierdo, dakong hatinggabi noong Nobyembre 8 nang magpasya silang magkanlong sa kweba sa likod ng kanilang bahay.

Aniya, tamang-tama naman nang makarating sila sa kweba ay biglang gumuho ang kanilang bahay.

Kasama ng mag-asawa ang dalawang iba pang mga pamilya na mahigit anim oras na nagtiis sa madilim na kweba habang pataas nang pataas ang tubig bunsod ng storm surge.

Aniya, takot na takot silang baka sila ay malunod sa kweba at tangayin ng tubig patungo sa dagat.

Pagkaraan ng bagyo, lumabas sila sa kweba upang masaksihan ang kalunos-lunos na nangyari sa kanilang bayan.

Bunsod nito, ang kweba ang kanilang naging pansamantalang tirahan habang sinisikap na muling makapagtayo ng bahay.

May price freeze?
BLOKE NG YELO – P500, ISDA – P250/KILO

UMAPELA sa gobyerno ang mga residente ng Bogo City sa northern Cebu na higpitan ang pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin, partikular sa mga erya na sinalanta ng bagyong Yolanda.

Ayon sa residenteng si Felix Tolaresa, walang aksyon ang mga kinauukulan para bantayan ang mga nananamantalang mga negosyante.

Aniya, taliwas sa pinaiiral na price freeze kasunod ng pananalasa ng bagyong Yolanda, patuloy pa rin sa pagtaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga apektadong lugar.

Partikular aniya sa mga nagtaas ang presyo ay ang bigas, isda, mineral water at maging yelo.

“Iyong price freeze? nasa word of mouth lang iyan ng mga politiko. Wala naman silang political  will  to implement iyong sinasabi nilang price freeze,” ayon kay Felix.

Dagdag niya, ang bloke ng ice ay pumapalo na sa P500 mula sa dating P200.

“Sabi nila gumagamit daw sila ng generator at gasolina.”

Maging ang commercial rice aniya na P35 per kilo ay nasa P45 na ang presyo habang pumapalo naman sa P250 ang kada kilo ng isda.

COCO LEVIES, MALAMPAYA GAGAMITIN SA REHAB EFFORTS

GAGAMITIN na ng pamahalaan ang kontrobersyal na coco levy funds para sa rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.

Kinompirma ni Pangulong Benigno Aquino III, kasalukuyan nang gumagawa ng paghahanda ang Department of Agriculture para sa implementasyon ng programa.

Maging ang bahagi aniya ng Malampaya Funds ay pag-aaralan na rin kung maaring magamit ng gobyerno.

Ginawa ng presidente ang anunsyo, kasunod nang pahayag kamakailan ni Energy Secretary Carlos Jericho Petilla na mas gugustuhin niyang gamitin ang pondong nalikom mula sa Malampaya gas project para matiyak ang power supply sa Visayas.

P21.5-B WB LOAN SA REHAB EFFORTS  APRUBADO NA

INIANUNSYO ng World Bank Group na aprub na ang $500 million (P21.5 billion) loan at pagpapadala ng global disaster experts para sa recovery efforts ng Filipinas sa pananalasa ng bagyong Yolanda.

Batay sa pahayag ni World Bank (WB) President Jim Yong Kim, committed ang World Bank na suportahan ang pagbangon ng Filipinas mula sa pinsala ng kalamidad at mapalakas pa ang loob ng mga Filipino.

Ayon sa World Bank, ito ay tugon nila sa kahilingan ng Filipinas na emergency loan para sa reconstruction efforts sa sinira ng bagyong Yolanda.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *