Friday , November 15 2024

‘Carol Bakulaw’ bakit hindi hinuhuli ng Pulis-MPD?

00 Bulabugin JSY

SINCE time immemorial ‘e lagi na nating nababasa  ang pangalan nitong si ‘CAROL BAKULAW’ sa mga pahayagan.

Kapag may istorya at reklamo ang mga VENDOR sa Divisoria, t’yak kakabit ang pangalan ni ‘CAROL BAKULAW.’

Si ‘CAROL BAKULAW’ ay tila isang  monster na malayang nakapangongotong sa teritoryo ng mga vendor lalo na d’yan sa DIVISORIA.

Ultimo paslit ay kilalang-kilala ang pangalang ‘CAROL BAKULAW.’

Sa hanay ng pulisya, mula PO1 hanggang station commander t’yak tumataginting ang pangalang ‘CAROL BAKULAW.’

Mula street sweeper ng Maynila hanggang  punong ehekutibo ng lungsod, matunog na matunog ang pangalang ‘CAROL BAKULAW.’

Matunog na KURATONG KOTONG sa hanay ng mga vendor.  At hindi lang simpleng KURATONG KOTONG, meron daw siya hinahatagan at pinararatingan.

At ‘yan ang tanong natin …

Sa ‘KABANTUGAN’ ng pangalan ni ‘Carol Bakulaw’ at alam na alam ng mga PULIS na siya ay isang KURATONG KOTONG sa mga vendor, e bakit hindi siya hinuhuli?

Sino ba ang backer n’yan sa Manila City Hall?

Bakit nga ba, Manila Police District (MPD) Director, Chief Supt. Isagani Genabe?!

MGA BAGONG HARI NG VIDEO KARERA, LOTTENG, KARERA BOOKIES SA PASAY CITY

HINDI pa man nagpa-PASKO ‘e meron nang nagpapakilalang ‘TATLONG HARI’ ng 1602 sa Pasay City.

‘Yan daw ‘yung GRUPONG CASTRO na kinabibilangan ng isang alyas ‘Erik’ Butch, alyas Bato at alyas Christian.

‘Yang GRUPONG CASTRO raw na ‘yan ay kilalang malapit sa Pasay KAMAGANAK INC.

Ipinagmamalaki pa ng GRUPONG CASTRO na sila na ang bagong ‘TATLONG HARI’ ng mga demonyong makina ng VIDEO KARERA, LOTTENG, at BOOKIES NG KARERA sa Pasay.

Ibang klase talaga ang Pasay. Gusto na nating maniwala sa kanilang slogan na … “The fun begins here, the fun begins now.”

Mantakin ninyo mula sa sugal-lupa hanggang malalaki at internationally known na CASINO e nasa Pasay City?!

Tsk tsk tsk …

PAL AT PALEA NAGKASUNDO NA AFTER 2 YEARS

NATUTUWA tayo dahil “in good faith” ang ipinakikitang attitude ng bagong Philippine Airlines (PAL) management sa kanilang mga empleyado upang tuldukan ang labor dispute sa kanilang mga manggagawa.

Pagkatapos ng halos dalawang taon magkasunod na inihayag ng PAL at PAL Employees Association (PALEA) na winawakasan na nila ang labor dispute.

Sa kanilang joint statement, sinabi ng PAL na sinimulan na nilang iproseso ang aplikasyon ng mga dating empleyado na nasibak sa trabaho dahil sa outsourcing program na ipinatupad noong September 2011.

At sino man ang PALEA members na makatutugon sa rekesitos ng PAL ay muling kukunin para makapagtrabaho muli sa nasabing kompanya.

Sisikapin din umano ng PAL na mabigyan ng trabaho ang PALEA members sa San Miguel group of companies kung hindi mabibigyan ng trabaho ng Airline dahil wala pang bakante sa posisyong inaaplayan nila.

Ang PALEA member na hindi pa nakatatanggap ng separation benefits ay daragdagan ng hanggang katumbas na 75 percent ng huling sweldo na kanilang tinanggap sa bawat taon ng kanilang serbisyo.

Bibigyan din sila ng P50,000 on top of the 125% separation pay and P100,000 gratuity pay.

Lahat ng nakabinbing kaso sa pagitan ng PAL at PALEA members, will be terminated at ang kanilang protest camp sa Airport Road ay kailangan bakantehin.

Ang PAL ay kinatawan ng vice president for financial services na si Marianne Raymundo, habang ang taga-PALEA ay kinatawan ng kanilang president Gerardo Rivera, vice president Alnem Pretencio, secretary Ambrocio Palad, at treasurer Eugene Soriano nang sila ay lumagda sa kasunduan.

Sa kanilang joint statement sinabi ng dalawang panig na, “PAL calls on its investors, stakeholders and customers to support the flag carrier’s efforts to realize its vision of becoming one of the region’s leading global carriers. For its part, PALEA would like to express their gratitude to their families and supporters over the past few years.”

Magugunitang noong 2010, nagdesisyon ang PAL management, “to shut down the airline’s airport services division, in-flight catering and call-center reservations after these are outsourced, which resulted to the loss of jobs of more than 2,500 employees.”

Kaya noong December 2012 nagsimula ang negosasyon matapos mag-takeover ang San Miguel Corporation sa control ng PAL

Kaya naman laging GOOD KARMA si Mr. RAMON ANG dahil in good faith siya sa kanyang mga negosyo.

Hindi katulad noong panahon nina Mr. LUCIOFER ‘este’ LUCIO TAN  na talagang bumagsak ang lifestyle at kabuhayan ng PAL employees.

Ngayon, muli na namang aangat ang PAL sa pamumuno ni Mr. Ramon Ang.

Congratulations PAL! Congratulations PALEA!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *