Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tapos na ang panahon ng Danny Boys

NANG ipamigay noong Martes sa mga sportswriters ang schedue ng laro para sa 39th season ng Philipine Basketball Association at line-ups ng mga koponang kalahok ay nirebisa kaagad ng karamihan ang listahan ng mga manlalaro.

Tinignan kung ilan ang mga rookies sa bawat teams, kung ilan ang mga nagsilipat ng team at kung ilan ang nagbabalik buhat noong nakaraang season.

Kapuna-punang wala sa 14-man line-up ng Barako Bull  si Danny Seigle at wala naman sa 12-man line-up ng Petron Blaze si Danny Ildefonso.

Wala ang mga Danny Boys sa line-up ng kahit na anong koponan.

Retirado na ba sila?

Tanong ng isang sportswriter.

Well, ayon sa ilang Barako Bull insiders ay kinausap pa ng management ng Energy si Seigle at inalok ng kontrata. Pero tila malaki pa rin daw ang hinihingi nito kung kaya’t sinabihan na lang siya na maghanap muna ng ibang teams na papayag sa kanyang presyo.

Sakaling may mahanap si Seigle na team na gustong kumuha sa kanya, makikipag-usap muna ito sa management ng Barako Bull.

Pero may ibang team pa kayang susugal kay Seigle na mayroon na ngang edad?

Sa kaso ni Ildefonso, puwedeng mailagay pa siya sa line-up ng Petron dahil kulang pa naman ng dalawang players ang official 14-man line-up. May maitutulong pa naman ito sa improvement ni June Mar Fajardo.

Pero mayroong nagsabi na malamang na maisama na lamang sa coaching staff si Ildefonso, isang two-tme Most Valuable Player.

Kahit kasi isama siya sa official line-up, baka naman hindi siya masyadong magamit. Hindi maganda yun sa kanyang estado.

Well, natapos na nga ang panahon ng Danny Boys. Marami silang kampeonatong napanalunan at pansariling karangalang naiuwi.  Kahit paano’y very fruitful na ring maituturing ang kanilang professional basketball career!

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …