Sunday , December 22 2024

Tama na, sobra na, palitan na ang liga

The Lord your God is with you, he is mighty to save. He will take great delight in you with his love, he will rejoice over you with singing.—Zephaniah 3:17

NOONG 2010 Liga ng mga Barangay election, ang kandidatura ni Philip Lacuna ang ating sinuportahan.

Katunayan nagpaabot pa tayo ng suportang pinansyal sa kanya upang magamit niya sa pangangampanya.

***

INIREKOMENDA pa ito ni Mayor Alfredo Lim sa mga barangay officials na suportahan si Philip sa Liga kontra sa noo’y Barangay Chairman na si Ali Atienza ng 5th District.

Muling nagwagi si Philip sa Liga. Nakuha niya ang suporta ng maraming barangay chairmen sa Maynila.

***

NGUNI’T nadesmaya tayo sa pamamalakad ng batang Lacuna, dahil imbes tagapagtaguyod at protektor ng barangayan, ay naging kalaban siya ng barangay.

Siya pa ang nanguna sa mga pagsusulong ng abolisyon, pagsasampa ng reklamo at pagrerekomenda ng mga suspensyon sa mga barangay officials.

***

KAYA tama ang panawagan ng marami natin kabarangayan, bagong liderato ang dapat mamuno sa liga.

Sa loob ng anim na taon pamumuno sa liga ni Philip, walang nakitang programa ang mga barangay officials na magtataguyod sa kanilang hanay.

***

NOON din 2010, ang kampo naman ni Eunice Castro ang ating sinuportahan sa Sangguniang Kabataan (SK) election, laban sa kakampi nilang si Bryan Ibay na pinsan ng pinalitan SK Representative na si Russel Ibay.

Dahil sa pagsuporta natin sa pamilyang Castro, sari-saring paninira at pagbatikos ang ating natanggap. Subalit nanindigan tayo na panahon na upang wakasan ang liderato ng mga Ibay sa SK Federation na matagal nang nanungkulan sa konseho.

Hindi tayo nabigo at naipanalo natin si Eunice Castro!

***

KAYA, ngayon nalalapit na ang eleksyon sa Liga ng mga Barangay sa Maynila, kinakailangan natin ng pagbabago sa liderato.

Batid naman ng 897 barangays sa Maynila na sa loob ng anim na taon ng panunungkulan mula 2007 hanggang sa kasalukuyan ay hindi naging productive, bagkus naging anti-productive ang Liga ating  barangay.

Tama na, sobra na, palitan na!

PERYA SA BONI SHRINE,

PINABABAKLAS NA!

ABA ,totoo ba ito mga Kabarangay?! Ipinag-uutos na raw ni Presidente Erap ang pagbaklas sa mga inilagay na karnabal d’yan sa sagradongBonifacio Shrine sa Arroceros. Ito’y ayon daw sa kanyang Tourism chiefna si Flordeliza Villaseñor.

Hindi man lang kasi ipinaalam o kinunsulta ang opisina ni Villaseñor sa paglalagay ng ferries wheel at tsubibo sa bantayog ni Gat Andres Bonifacio.

***

GOOD job ‘yan Madame Flor kung totoong babaklasin ninyo ang mga nabanggit na amusement rides.

Hindi kasi ito kaiga-igaya sa mata ng publiko na may ganitong tanawin sa shrine ng isang bayani, dahil lantarang pambabastos sa bantayog.

***

LABAG din ito sa Manila charter na kinakailangan ay 200 metro ang layo ng mga itatayong amusement sa mga eskwelahan, ospital at iba pang kauring institusyon..

Nakuha rin ng pansin ni Madame Flor ang tsubibo inilagay sa Remedios Circle, kaya naman ipinababaklas din niya ito.

Naku, maraming matutuwa sa inyo Madame!

***

HINDI rin kasi maganda sa tanawin ng mga dayuhang turista na makita na ang mga shrine o batantayog ng mga bayani sa bansa ay nilalaspastangan at hindi pinapahalagahan.

Kompara kasi sa ibang bansa, napakagaganda ng mga shrine o bantayog ng kanilang mga bayani. Kontodo bakuran pa ito at pailaw. Ilan sa kanila ay may mga guard na nagbabantay, bilang pagpapakita ng respeto at paggalang sa mga nagawa sa kanilang bansa.

Ganyan dapat!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 0932-3214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *