HINDI naman tayo sa nagpapakasipsip sa mga PUTI.
Pero aminin man natin sa hindi, nakatulong nang malaki sa sitwasyon natin ang pag-uulat ni CNN broadcast journalist Anderson Cooper tungkol sa kalagayan ng mga kababayan natin sa Tacloban, Leyte pagkatapos ng pananalanta ni Yolanda.
Matapos iulat ni Cooper na … “no real evidence of organized recovery or relief effort coming from the Philippine government …” at tapusin ito sa … “Here, misery is beyond meaning …” ‘e talaga namang umulan ang reaksiyon at komentaryo ng netizens.
Kasunod nito ay bumuhos na ang mga sumuporta mula sa iba’t ibang bansa.
Ultimo mga sasakyan, ospital, mga doktor, goods, dollars, suportang moral at marami pang iba.
‘Yun nga lang maraming nakapuna sa makupad na PAGGALAW ng GOBYERNO.
Naupakan nang husto si PNOY at ang kanyang GABINETE. At mukhang hindi lang nagkasisihan, mukhang nagkaturuan pa kung sino ang may kasalanan … hehehe …
Anyway, tapos na ‘yun, at natutuwa tayo na unti-unti nang nakararating sa mga nasalanta ang TULONG mula sa gobyerno at mula sa ibang bansa …
Like after … six (6) days?!
Kung nagpasalamat tayo kay COOPER, nagpasalamat din si COOPER sa mga PINOY dahil naipakita natin sa kanila kung paano ang mabuhay.
Again, thank you, Mr. Anderson Cooper!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com