HANGGANG ngayon sige-sige pa rin ang pakikialam ng Customs police at intel agents sa examination/inspection ng mga kargamento.
Sa madaling sabi, ini-ivade nila ang territory ng taga-assessment, iyong mga examiner at appraiser.
Ito ay matagal nang ginagawa ng mga taga-Customs intel at police agents na wala sa job description nila.
Napuna ito ni Commissioner Ruffy Biazon dahil nga walang humpay na pag-isyu ng mga Alert Order na ibig sabihin ihihinto ang release ng shipment hanggang ma-eksamen sa loob ng customs.
Ang intelligence group maging ang enforcement group ay nasa pamamahala ni bagong Deputy Commissioner Jessie Dellosa na marahil hindi na magbibigay ng tamang briefing sa tunay na papel ng mga pulis at intelligence agents.
Ang kanilang gawi ay isang pag-iinsulto sa mga taga-assessment at ito dapat ay mabigyan ng immediate attention ni DepCom Dellosa upang hindi siya lumabas na mislead ng mga taga-enforcement at intelligence.
Isipin na lang na ang mga info ay nanggagaling sa pulis at intel. Sila rin ang nagdidikta kung ano ang violation at magkano ang dapat additional payment ng duty at tax. Ito ay trabaho ng assessment at ito ay alam na alam ng mga pulis at intel agents.
Pero bakit nagpipilit silang pasukin ang territory na hindi sa kanila? Dahil sa kotong.
Ang mga pobreng importer/broker nagbibigay na lang kaysa magtagal pa ang kanilang shipment. Ibig sabihin nito dagdag na bayad ng storage at stuffing, hauling at demorahe. Kaya napipilitan silang maglagay sa mga pulis at intel.
Kaya naman pupulungin ni Biazon ang pamunuan ng pulis at intelligence sa ilalim ni Dellosa. Kaya nga nagpapalit ng mga opisyales sa intiative ni Secretary Cesar Purisima upang mawala na ang ganitong uri ng kurakot. Kung ipauubayang muli sa mga pulis at intel agents ang inspection/examination wala rin pagbabago.
Alam naman ng mga pulis at intel agents ang kanilang papel. Ang pulis tagatanggap ng information na nakalap ng intelligence agent upang ang nasabing information ay maibato sa district collector o sinong authorized na mag-issue ng Alert Order.
Isa pa ang nasabing information dapat 85 percent na segurado. Kasi kung pumalpak ito iyong nagbato ng information ang magbabayad ng ano mang penalty sa may-ari ng shipment.
Palibhasa matagal nang practice ito sa bureau, pati mga taga-assessment (examiner, appraiser) nagmumukhang inutil. Paano kung iyong ibinigay sa hindi authorized na ahente ay sumalya. At ano ang basehan nila ng kanilang assessment, bigay ng kanilang mga asset na pawang mga hao-shiao tulad nitong alyas Abu at Santi?
Tapos na Depcom Dellosa ang mga ganitong uri ng pangongotong ng mga corrupt na intel at customs agents.
By the way, nabuwag na ba ang mahigit na 20 “ask forces” (mga mangongotong) na bumibiktima sa mga broker? Sana raw ma-break na, sa mga victim. Matutuwa sila kung ang alert order ay gagawin mismo ng authorized officials tulad ng district collectors, hindi ng mga haragan na pulis at intel agents.
Isipin lang na sa loob ng dalawang linggo kamakailan, halos 100 alert order na ang inilabas laban sa mga consignee. Gaano naman ka-accurate ang info? Ito ang iniaangal ng mga biktimang broker/consignee sa kabila ng info na old system pa rin ang examination na ginagamit.
Halos isang team ang signatory sa alert order, mula sa OCom, intel, pulis, collector’s office, etc. Paano kung wala ang isa sa kanila?
Hindi pwedeng maeksamen, ganoon ba?
Arnold Atadero