Friday , November 15 2024

Bumubuhos ang int’l aids, usad-pagong lang ang gobyerno sa pamamahagi

BUMUBUHOS ang tulong-pinansiyal at relief goods mula sa mga nagtutulung-tulong nating kababayan at mga bansa para sa nasalanta ng delubyong Yolanda.

Ang problema lang ay napakabagal ng ahensya ng ating -gobyerno, ang Department of Social Welfare (DSWD) na -nakatalaga sa pag-distribute ng relief goods.

Napakabagal din ng Department of Public Works and -Highways (DPWH) sa pagwawalis ng mga debris sa kalsada para makadaan ang mga truck na nagdadala ng relief goods.

Tila wala rin bibig ang Department of Transportation and Communications (DoTC) para manghiram ng mga Ro-Ro sa mga shipping lines na magdadala ng relief goods sa mga isla.

Kung wala pa ang mga eroplano at helikopter ng Estados -Unidos, na may dala pang warships na kinargahan ng relief goods at iba pang bansa ay malamang na nagkandamatay na rin sa gutom ang mga nakaligtas sa super bagyong Yolanda.

Tulad ngayon, napakahaba raw ng pila ng trucks na puno ng relief goods sa Matnog port sa Sorsogon. Wala raw kasing barko na makakargahan patungong Leyte. Maryusep! Anong ginagawa ng DoTC? Maaari silang manghiram ng mga Ro-Ro sa shipping lines sa Batangas para mag-transport ng mga truck na loaded ng relief goods.

Nasa state of national calamity ang bansa, ibig sabihin ay may kapangyarihan ang gobyerno para gamitin ang manpower at mga pasilidad ng ano mang private corporations na makatutulong sa mga biktima ng grabeng kalamidad na ito sa Coron, Palawan; Capiz, Aklan, Iloilo, Leyte at Samar partikular sa Tacloban City at mga karatig munisipalidad nito na 80-95% washed out ang kabahayan ng ating mga kababayan..

“Noynoying” ang gobyerno pagdating sa kalamidad pero -pagdating sa diskurso at paninisi … tsampyon si PNoy!

Bwisit!

Pulis na pinakamalakas

mangotong sa Quiapo

– Iparating ko lang po kay Mayor Erap ang pulis na pinaka-malakas mangotong dito sa Plaza Miranda, Carriedo, Villalobos at sa Carlos, Palanca, Quiapo. Sikat po siya rito sa tawag na “Tata Pong”. Sana matigil na ang gawain ng pulis na ito, Mayor Erap. Masyado na po kasi siyang perhuwisyo sa mga vendor. Matagal na po itong nangongotong dito, dekada na!  Salamat po. – 09475749…

Hinaing ng taga-Gandara

W. Samar

– Mr. Joey Venancio, sobra na po itong nangyayari sa Pilipinas. Nagkaroon na nga ng trahedya, pati na bilihin nagmahal na at ang gasolina aabot na P80 bawat litro at nagkakaubusan na. Sana -matugunan ito agad ng gobyerno. Baka magpatayan sa gutom ang mga tao rito sa Samar. Salamat po. – From Gandara, Western Samar

Totoo ito. Under state of national calamity ang bansa. Bawal magtaas ng ano mang bilihin. Maaaring kasuhan at ipasara ang establishments na nagsasamantala sa ganitong panahon ng matinding kalamidad.

Dredging sa palibot

ng Quezon City Hall

– Tungkol po dito sa ginagawang dredging sa palibot ng Quezon City Hall patungong Commonwealth Avenue. Sabi street lights daw ang mga yun. Kako nga bakit hindi ang pagpalinis ng mga imburnal at mga creek ang unahin nila tulad ng creek dito sa may Pasong Tamo, Tandang Sora, malapit sa Seaoil. Tambak ang basura at mga tipak na bato, may nakatira pang  informal settlers sa ilalim ng tulay at tambakan pa ng dumi galing junk shops. Akala ko ba may project ang naturang gobyernong ito sa pagpapalinis ng mga creek? Puro ningas-kogon at press releases lang ang nababasa ko. Wala talagang pag-unlad ang bayang ito, believe me. Maraming salamat. – 09297290….

Hinaing ng PNP retirees

kay  PNP Chief

– Panawagan lang po sa PNP Chief. Sana wag na po idamay yung matagal na naming hinihintay na pay differential naming PNP retirees. Pinangako po yun na ibibigay last month pa dapat. Ngayon balita po namin ida-divert nalang daw na tulong sa mga nabagyo. Kailangan din po namin ng pera. Sana maghanap nalang sila ng ibang pondo para itulong sa mga nasalanta, wag naman yung pera na matagal na naming hinihintay. Ganyan po lagi style nila ‘pag may kalamidad, may dahilan sila kunin ang pera namin, baka  binubulsa lang nila e. Kailangan din po naming mabuhay, pls lang po, PNP Chief. – Retired PNP, 09124368…

‘Pag relief goods

may pangalan ng politiko, epal!; Pag sa TV networks

na galing sa mga tao…

– Mr. Venancio, napupuna ko lang sa mga taga-ABS-CBN at GMA-7,  kapag nakakita sila ng relief goods na may pangalan at mukha ng politiko, babanatan agad nila, EPAL daw! E, ano naman kaya ang itatawag sa pinamimigay nilang relief goods na may tatak ng kanilang network pero pinanghingi rin lang nila sa mga tao, di ba EPAL din yun? Dapat ang nakalagay sa relief goods nila ay “Donasyon ng mga kababayan na ipinagkatiwala sa ABS-CBN o GMA-7”. At yung sa mga politiko naman, ang dapat nakalagay sa relief bag o packs ay “Mula ito sa pork barrel o DAP na ipinagkatiwala sa akin”. Dapat ganun, ‘di po ba? – 090855690…

May punto ang ating texter. Hehehe…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *