Friday , November 15 2024

Rape, nakawan sa Tacloban dapat linawin ng PNP at AFP

00 Bulabugin JSY

MAYROONG mabigat na tungkulin ngayon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para LINAWIN ang mga naglabasang KWENTO na mayroong mga BIKTIMA ng RAPE, mga bahay na pinasok umano at NINAKAWAN at iba pang lumutang  na krimen kaugnay  ng pagkagutom at kakapusan ng mga biktima ng super bagyong si Yolanda.

Kahapon, opisyal nang sinibak si Eastern Visayas Regional Director, Chief Supt. Elmer Soria dahil siya pala ang nagsabi na hindi raw kukulangin sa 10,000 ang mga namatay matapos ang storm surge/tsunami sa Tacloban, Leyte.

Sa pinakahuling opisyal na bilang, umabot sa 2,300 plus ang mga bangkay na na-account na ng mga awtoridad. Malaking porsiyento nito ay hindi pa kinikilala ng kanilang mga kaanak.

Sinibak si Gen. Soria dahil sa pagkakalat ng hindi kompirmadong ulat tungkol sa bilang ng mga namatay na s’yempre na-pick up din ng international media.

Kung ganoon, mayroong pangangailangan na linawin ng mga awtoridad kung totoo ba ang mga insidente ng RAPE at NAKAWAN sa mga bahay-bahay dahil maraming residente na ang natatakot sa mga balitang ito.

Ang pagkompirma kung tunay na nangyari o hindi nangyari ang mga panggagahasa at nakawan ay malaking bagay kung paano poproteksyonan ng mga residente ang kanilang sarili at ang kanilang pamilya … lalo na ‘yung mga walang kakayahan na umalis sa kanilang lugar at walang kaanak na tutuluyan kahit man lang sa kalapit probinsiya o sa Maynila man.

Magiging kapanatagan naman sa isang banda kapag nakompirmang walang ganoong insidente.

Itinanggi na rin ang pagpuga umano ng 200 preso sa Tacloban at sinabi ng mga preso na sila pa mismo ang nag-ayos at nagkumpuni ng detention center matapos ang pananalanta ng bagyong Yolanda.

Ang pagkaklaro sa mga insidenteng ito ay immediate task ng Philipine National Police na dapat nilang ipasa sa nagpapatupad ng “State of National Calamity’ nang sa gayon ay maiklaro sa sambayanan para na rin sa kapanatagan ng malalayong kaanak ng mga biktima.

Go, PNPchief, Dir. Gen. Alan Purisima!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *