Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mason dedo sa koryente

 
PATAY ang isang 49-anyos mason nang mahawakan ang isang live wire habang nagtatrabaho  sa ginagawang gusali sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Mariano Tamidles, may-asawa, empleyado ng ITP Construction Corporation, residente ng 44 Sampaguita St., Happy Land, Tondo.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District (MPD) – Homicide Section, dakong 7:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa hallway sa 4th floor ng Building 12 Paradise Heights, Permanent Housing, Rodriguez St., Balut, Tondo.

Kasalukuyang nagsesemento ang biktima sa naturang palapag  ng ginagawang gusali nang ‘di sinasadyang nahawakan ang live wire na kanyang ikinakisay.

Isinugod si Tamidles sa ospital ngunit namatay habang ginagamot ng mga doktor.

Ayon kay San Pedro, ‘malinis’ na ang lugar at mukhang inayos na ng mga trabahador ang pinangyarihan ng insidente nang dumating ang mga imbestigador.

Ayon kay Bernalyn Daban, 20, anak ng biktima, wala silang planong magsampa ng reklamo sa kompanyang pinapasukan ng kanilang ama. (leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …