Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lolo patay nang iwan ng ‘Daisy’ sa motel

Pinaghahanap  ngayon ng pulisya ang isang ‘daisy’ na kasama ng isang negosyante na natagpuang patay sa loob ng isang motel sa Pasig City kahapon ng hapon.

Kinilala ni Pasig City chief of Police P/Sr. Supt. Mario Rariza ang biktimang si Ricardo Guillermo Hipolito Graza, 61, may asawa, negosyante, residente ng #29 Sta. Catalina St., Doña Juana, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Inilarawan ang babaeng kasama ni Graza nasa 18 hanggang 20-anyos, maganda ang pangangatawan, mahaba ang buhok at maputi ang balat.

Sa ulat, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong 3:30 ng hapon sa room 406 ng Woodstock Inn, nasa  #828 Marcos Highway, Brgy. Santolan.

Ayon sa roomboy na si  Conrado Mesina, dakong 1:11 nang pumasok sa kanilang establisyemento ang puting Honda CRV, may plakang XLP-704 sakay ang biktima at ang hindi pa nakikilalang babae.

Makalipas ang ilang oras ay nakita nilang lumabas ang babae at nagmamadaling sumakay sa jeep na biyaheng Cainta, Rizal.

Tinangka nilang habulin ang babae pero hindi inabutan kaya’t agad  nilang tinawagan sa telepono ang pinanggalingang kuwarto ng babae pero walang sumasagot dahilan para puwersahang buksan ito.

Tumambad sa mga empleyado ng motel ang hubad na bangkay ng biktima malapit sa comport room at mayroong nakadagan na unan sa kanyang ulo.

Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya para matukoy ang babaeng kasama ng biktima.

(MIKKO BAYLON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …