Thursday , December 19 2024

EV PNP RD sinibak sa ‘10,000 death toll’

111613_FRONT
SINIBAK sa pwesto ni PNP chief, Director General Alan Purisima ang regional director na nagsabing umabot sa 10,000 ang bilang ng mga namatay sa super typhoon Yolanda sa Easter Visayas Region.

Pansamantalang ilalagay sa Camp Crame si Police Regional Office (PRO) 8 Director, Chief Supt. Elmer Soria.

Matapos ang kontrobersya, agad nagpalabas ng order si Purisima para sibakin si Soria at inirekomenda si Chief Supt. Henry Lozanes, director ng PNP Maritime Group, upang humalili sa pwestong iiwan ni Soria.

Sinasabing hindi rin nagustuhan ni Purisima ang radio interview kay Soria na inihayag niyang pinasok ng armadong kalalakihan ang lungsod ng Tacloban na nagdulot ng panic sa mga residente.

HATAW News Team

PAGSIBAK KAY SORIA  ‘DI PARUSA — PNP

HINDI parusa ang pagsibak kay Chief Supt. Elmer Soria bilang Eastern Visayas police chief kundi paraan ng pagtulong sa kanya upang makarekober sa trahedya, ayon kay PNP information chief, Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac kahapon.

“This is our way of helping him, this is not a punishment. People there (particularly in Region 8 Police Office) will have to undergo some kind of stress debriefing,” pahayag ni Sindac.

YOLANDA DEATH TOLL HALOS 4K NA — NDRRMC

INIHAYAG ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon, umabot na sa 3,621 ang bilang ng mga namatay sa super typhoon Yolanda habang marami pang mga bangkay ang natatagpuan sa sinalantang mga lugar.

“I hope hindi na tataas. Kung tumaas, siguro baka very slight na lang. I don’t want to be misquoted but I hope hindi na tumaas,” pahayag ni NDRRMC executive director Eduardo del Rosario.

Aminado si Del Rosario na nagkaroon ng kalituhan sa death toll ngunit inihayag niya sa international agencies na ang bilang ay dapat na magmumula sa NDRRMC.

DEATH TOLL SA LEYTE  AABOT NG 6,000 — PETILLA

SINASABING posibleng umabot sa 6,000 katao ang namatay sa lalawigan ng Leyte dahil sa pananalasa ng bagyong Yolanda isang linggo na ang nakararaan.

Ayon kay Leyte Gov. Dominic Petilla, ito ang ulat na kanyang natanggap sa pinagsamang impormasyon mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng lalawigan na matinding sinalanta ng kalamidad.

Bagama’t ayon sa opisyal, kailangan pa nilang beripikahin ang naturang ulat.

PAGKILALA SA BANGKAY PAHIRAPAN

TACLOBAN CITY – Malaking hamon para sa mga awtoridad ang pagkilala sa mga narekober na bangkay na mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ayon kay PNP-Crime Laboratory head, Chief Supt. Liza Sabong, sa ngayon ay nilalagyan na lamang nila ng tag ang mga labi para matukoy kung ito ay babae o lalaki habang inililista rin ang mga narekober na gamit bago ilagay sa cadaver bags.

“We tag them as male or female, they photograph them, list the belongings on the cadaver itself. We do fingerprinting. We measure the body and then they are placed in cadaver bags,” ayon sa opisyal.

Ngunit sa kabila nito, aminado si Sabong na mabagal ang ginagawa nilang trabaho dahil sa dami ng mga bangkay na dapat isailalim sa proseso.

Aniya, sa kabuuang 182 bangkay, 13 pa lamang ang narekober ng kanilang mga kaanak.

Maalala na una na rin nagsagawa ng “mass burial” ang lokal na pamahalaan ng Tacloban sa hindi narekober na mga bangkay.

About hataw tabloid

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

The *2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024* press conference recently concluded with great success, bringing …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *