Monday , December 23 2024

Bureau of Customs hinagupit rin ng ‘Yolanda’

00 Bulabugin JSY
MATINDI raw ang demoralisasyon ngayon sa Bureau of Customs (BoC), ang balita ay parang hinagupit din sila ng SUPER TYPHOON na si YOLANDA.

Buti pa nga ang buong bansa tiyak na makararaos din sa DELUBYO ni YOLANDA pero sa BoC daw hanggang ngayon hindi pa rin nila alam kung kailan magwawakas ang tila araw-araw nilang walang bukas.

Ito ay kaugnay ng ‘unpredictable’ execution ng  repormang pinatutupad ng Department of Finance at BOC.

Kung ‘yung mga DISTRICT COLLECTOR na mayroong ELIGIBILITY ‘e tinamaan ng ‘wrath of DOF’ ‘e paano na ‘yung iba pa?!

Pagkatapos ngang madale ng Customs Personnel Order (CPO) at Executive Order ang mga  eligible na DISTRICT COLLECTORS ‘e pinalitan na sila.

At ang mga pumalit sa kanila s’yempre mga INSTANT ‘este’  DISTRICT COLLECTOR din.

Last week, bumagsak na naman ang ‘TABAK NI DAMOCLES’ na tumagpas sa mga Director at mga Division Chief na dadalhin rin sa bartolina ‘este’ DOF-CPRO sa Bangko Sentral Bldg.

Tanong ng ilang beteranong Customs official, ibig sabihin ba nito sa bawat araw ay hindi sila nakatitiyak na tatamaan ng CPO at baka hindi na makabalik pa sa kanilang pwesto kinabukasan?

Ganyan raw po ang matinding insekyuridad na nararamdaman ngayon ng mga taga-BoC dahil sa delubyo ng reporma na sing tindi raw ng bagyong ‘YOLANDA.’

Ang ipinagtataka lang ng BOC rank & file employees  ay kung bakit tahimik na tahimik ang Bureau of Customs Employees Association (BOCEA) sa isyung ito…

Bakit nga ba Mr. Romy Pagulayan?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *