Friday , November 22 2024

Biazon: Donasyon mula abroad ‘di binuwisan

111613 biazon relief
MALAYSIA RELIEF GOODS. Personal na pinuntahan ni Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon ang warehouse sa NAIA Terminal 2 na kinaroroonan ng relief goods mula sa Malaysia kabilang ang mosquito nets at water jugs para sa mga biktima ng super bagyong Yolanda.  (BONG SON)

MARIING pinabulaanan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Rozanno “Ruffy” Biazon ang kumakalat na usap-usapan sa social media na siningil umano ng ahensiya ng buwis ang mga donasyon mula ibang bansa para sa mga biktima ng super bagyong “Yolanda.”

Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Biazon na walang katotohanan ang bintang na binuwisan umano nila ang mga donasyon mula Germany lulan ng eroplanong Lufthansa kung kaya’t naantala ang pamamahagi nito.

Sa katunayan, nagkausap na rin sila ni Lufthansa country manager Paul Schenk na nagsabing hindi totoo na nahirapan sila na ilabas ang mga nasabing donasyon sa Customs.

Dagdag ni Biazon, nalugod pa nga si Schenk sa mabilis na pag-isyu ng clearance ng Customs sa mga imported goods na inilabas nang walang buwis sa parehong araw nang ito ay dumating.

Ayon sa Customs chief, inutusan na ni Schenk ang Lufthansa head office na mag-isyu ng official statement ukol dito at para maitama rin ang maling impormasyon.

“I have instructed head office functions to correct social media rumors about BoC. Your help and assistance is well appreciated,” sabi pa ni Schenk kay Biazon sa text message na nai-post sa Facebook.

Ang BoC, sa pangunguna ni Biazon, ay isa sa mga ahensiya na agarang nagresponde at tumutulong sa pamahalaan sa pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyo at ano mang trahedya.

Ang pagtatatag ng one-stop shop sa lahat ng opisina ng Customs sa bansa,  partikular  sa  puerto ng Tacloban, Cebu at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay isa lamang  sa agad na ipinag-utos ni Biazon para mapabilis ang proseso ng relief goods mula ibang bansa.

Inilinaw uli ng Customs chief na ang lahat ng donasyon mula abroad ay tax-free at mangangailangan lamang ng ilang dokumento gaya ng letter of intent to donate goods, bill of lading or airway bill, at commercial invoice o listahan ng mga donasyon.

Bukod dito, ipina-imbentaryo rin ng dating kinatawan ng Muntinlupa City ang mga nakompiskang sa buong bansa gaya ng bigas at mga ’ukay-ukay’ na maaaring ibigay sa mga biktima ni ‘Yolanda’ sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *