ISANG babae ang namatay at dalawa pa ang nasugatan sa sunog na tumupok sa mahigit 100 bahay sa Baesa, Quezon City kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Supt. Jesus Fernandez, Quezon City fire marshal, ang biktimang si Angelita Omedes, 57, na pinaniniwalaan sa kanilang bahay nagsimula ang sunog dakong 12:58 ng umaga.
Ayon kay Fernandez , inamin ng pamilya Omedes na maaaring dahilan sa napabayaang niluluto ang pinagmulan ng sunog.
Hinihinala rin may posibilidad na dahilan sa kabit-kabit na mga kasangkapang dekoryenteng gamit ng mga nangungupahan sa lugar ang pinagmulan ng sunog.
Kinilala ang dalawang sugatan na sina Jose Capri at Maurillo Canseco, na isinugod sa pagamutan. Umabot ang sunog sa Task Force Bravo na naapula dakong 4:55 ng umaga at tinatayang umabot sa P3 milyon halaga ng ari-arian ang naabo at tinatayang 450 pamilya ang nawalan ng tirahan.