Monday , December 23 2024

Yolanda update 2,357 patay

UMAKYAT na sa 2,357 ang bilang ng kompirmadong mga namatay sa pananalasa ng bagyong Yolanda sa Visayas.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), bukod sa naturang bilang, nasa 77 pa ang nawawala habang nasa 3,853 ang nasugatan.

Karamihan sa mga namatay ay mula sa lalawigan ng Leyte lalo na sa lungsod ng Tacloban.

Nasa 1.7 milyon pamilya o katumbas ng 8 milyon katao ang naapektohan ng kalamidad mula sa Regions 4-A, 4-B, 5, 6, 7, 8, 10, 11 at CARAGA.

Mahigit kalahating milyong katao ang patuloy na inaayudahan ng gobyerno na karamihan ay nasa evacuation centers.

DEATH TOLL SA KAMALIG NG NFA 11 NA

UMAKYAT na sa 11 ang patay sa naganap na stampede bunsod ng paglusob ng mga survivor ng super typhoon Yolanda, sa warehose ng National Food Authority (NFA) sa Leyte.

Ayon kay NFA Administrator Orlan Calayag, inihayag sa kanya ng local NFA director sa Leyte, tatlo pang biktima ang binawian ng buhay makaraang mabagsakan ng gumuhong NFA warehouse nitong Lunes sa bayan ng Alang-Alang, 15 hanggang 20 kilometro ang layo mula sa lungsod ng Tacloban.

Gumuho ang bodega nang lusubin ng mga survivor at nakawin ang 33,000 sako ng bigas at 90,000 sako ng palay, ayon kay Calayag.

Kinompirma rin ni Calayag na totoo ang video na kumakalat sa social media na nagpapakita ng naganap na NFA looting.

“Some boarded their loots in tricycles, while some were on board motorcycles,” ayon kay Calayag.

2 MASS GRAVE PARA SA YOLANDA VICTIMS

DALAWANG mass grave and inihanda para paglagakan ng mga bangkay na narekober na mga biktima ng super typhoon Yolanda.

Sinasabing ang isang mass grave ay inilaan para sa ilang mga bangkay na kinilala na.

Habang ang isa pang mass grave ay para naman doon sa mga bangkay na hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan.

Muling ipinagpatuloy ng SOCO team, DoH at lokal na pamahalaan ang paglilibing ng iba pang mga bangkay na nasa state of decomposition na.

Ang ilang lugar sa syudad ay nabawasan na ang masangsang na amoy.

Ngunit may ilan pang lugar na umaalingasaw pa rin kaya hinihinalang mayroon pang mga bangkay na nadaganan o natabunan ng mga debris.

Una rito, nagbabala ang World Health Organization (WHO) laban sa gagawing mass burial sa mga naging biktima ng bagyo.

Base sa ipinadalang “Management of Dead Bodies in Disaster Situations” manual ng WHO sa Department of Health (DOH), ang isasagawang mass burial na walang tamang beripikasyon o pagkakakilanlan sa mga namatay ay paglabag sa karapatan ng mga miyembro ng namatayang pamilya.

50 POLICE TRAINEES MISSING, 2 SUNDALO PATAY

UMAABOT sa 50 police trainees ang sinasabing nawawala pa rin sa Tacloban City matapos masira at ma-wipeout ang kanilang training school dahil sa pag-hagupit ng bagyong Yolanda noong Biyernes.

Kinompirma ito ni P/Supt. Renato Dugan, public information officer ng Regional Police Office-7.

Ayon sa opisyal, hanggang ngayon ay wala pa silang natatanggap na balita kung nakaligtas ba ang police trainees o hindi noong manalasa ang super typhoon.

Sinabi ni Dugan, ang training school sa Tacloban ay ilang metro lamang ang layo mula sa dalampasigan kaya nangangamba sila kung nasaan na ang mga trainee dahil sa nangyaring storm surge.

Samantala, dalawang sundalo ang kompirmadong namatay sa loob ng barracks ng AFP malapit sa Regional Training School-8 sa kasagsagan ng bagyo..

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *