Friday , November 15 2024

‘Organisadong kotong’ sa Divisoria vendors ni Konsehal Dennis Alcoriza?

00 Bulabugin JSY
SA ilalim ng United Street Vendors of Divisoria Association, Inc., (USVDAI) gustong gawing lehitimo ni Konsehal Dennis ang ‘organisadong kotong’ daw sa mga vendor.

Hindi natin alam kung ang organisasyong ito ay rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC), sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at bakit tila pinalulutang na ito ay nakakabit sa Manila City Hall?

Isa pang tanong, ang pagbubuo ba ng USVDAI ay may pangkalahatang consensus ng mga vendor sa Divisoria?

Nagkaroon ba ng general assembly ang mga vendor sa Divisoria para makita nila ang pangangailangan na bumuo sila ng organisasyon?!

Kung rehistrado sa SEC ang USVDAI, sino-sino ang mga opisyal nito?!

Vendor ba si Konsehal Dennis Alcoriza para pangunahan ang pag-oorganisa ng USVDAI na ‘yan?!

O ito ay isang paraan para MAIMBUDO ang P150 daily ‘KOTONG’ ‘este’ membership fees sa mga vendor?!

Kapag miyembro ba ng USVDAI ay hindi na magbibigay ng TONG sa PULIS, HAWKERS at sa DPS?!

Bakit walang RESIBO ang USVDAI na ibinibigay sa mga vendor? Papasok ba ito sa kaban ng City Hall? May MOA o City Ordinance ba para sa pagbubuo ng USVDAI?

Higit sa lahat, sino ba ‘yang isang JIMMY SORIANO na siya umanong namimigay at nangangalap ng application forms para maging kasapi nito?!

LIBRE ba ang maging miyembro ng USVDAI?!

Mga tanong ‘yan mula sa mga VENDOR na dapat ninyong sagutin … proteksiyon ba talaga ‘yang USVDAI para sa mga vendor?

O organisadong  kotong laban sa mga vendor?!

Pakisagot lang po!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *