IPINANUKALA ng baguhang senador na ihiwalay ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mula sa Department of National Defense (DND) para sa higit na epektbong relief efforts sa mga kalamidad at emergency.
Inihain ni Senadora Grace Poe ang Senate Resolution 362, naglalayong i-review ang kapasidad ng pamahalaan sa pagtugon sa mga kalamidad kasunod ng mga kritisismo kaugnay sa sinasabing mabagal na pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng super typhoon Yolanda sa Visayas.
“For more efficient relief efforts during disasters and emergencies, it is proposed that the NDRRMC be re-established as a separate and independent agency from the DND,” ayon sa resolusyon ni Poe.
Iminungkahi rin niyang magtalaga ng pwesto para sa NDRRMC chief officer na katumbas ng Cabinet rank.
(CYNTHIA MARTIN)