Thursday , November 14 2024

Nasaan ang bumabahang tulong ng maraming bansa?

BUMABAHA ang tulong mula sa maraming bansa sa mundo.

May mga nagbibigay ng salapi at relief goods at nagpadala ng medical teams, pati warships nga ng Estados Unidos ay nasa bansa na para tumulong sa relief efforts.

Lumabas nga sa mga ulat na higit sa P4 bilyon ang cash donations …  at patuloy pang dumarating. Maraming salamat po sa kanila…

Pero bakit tila hindi ito nakararating sa mga biktima ng delubyo sa Eastern Visayas, partikular sa Leyte lalo na sa na-sentrong  lungsod ng Tacloban?

Kung tatanungin mo ang mga tao roon, wala pa raw silang natatanggap na ano mang tulong lalo na doon sa medyo malayo sa lungsod at liblib na munisipalidad na grabe rin naapektohan ng delubyo. Mga buko na nga lang ang kanilang kinakain at iniinom.

Kaya ang mga tao ay napipilitang mag-looting o magnakaw ng kanilang mga makakain, maiinom at gamot.

Inabandona na nga ng marami ang mga kamag-anak nilang namatay na naaagnas na lang ang mga bangkay sa tabi-tabi. Dahil ang nasa isip nila’y maka-survive sa grabeng krisis na ito sanhi ng superbagyong Yolanda.

Naiintindihan natin sila and let’s pray for them…

Pero itong ating national government lalo na ang DSWD, DOTC at DPWH na pangunahing ahensya ng pamahalaan para sa rescue and relief efforts ay hindi ko talaga maunawaan  kung bakit sobrang bagal ng aksyon at walang organisasyon sa mga pangyayari.

Nagdeklara na nga ng state of national calamity ang Presidente. Na ang ibig sabihin ay magagawang kontrolin at padaluyin ang lahat ng tulong para sa mga biktima ng kalamidad. Pero nasaan? Nasaan na ang mga tulong, Mr. President.

At nasaan na ang bumabahang foreign aids?

Sasabihin sa atin ni P-Noy at kanyang mga gabinete: “Tumulong na lang kayo at huwag nang magbatikos pa!”

Trabaho po namin sa media ang bantayan, punahin at puwersahin ang nasyonal na pamahalaan na gampanan ang sinumpaang tungkulin sa bayan lalo na ngayon nasa grabeng krisis ang mga boss n’yo sa Leyte, Samar, Aklan, Capiz, Iloilo at Palawan.

Mr. President, gampanan n’yo ang trabaho n’yo at ginagampanan namin ang amin.  Amen!

Daming jumper kaya laging brownout sa Pangarap

Village (Caloocan City)

– Mr. Joey Venancio, paki-parating naman sa kinauukulan lalo na po ang maysakop sa Pangarap Village, Caloocan City. Kayo mga taga-Meralco dyan, aksiyunan nyo naman ang problema namin dito. Lagi nalang po brownout kasi andaming jumper dito sa kanto ng Yakal st. Kapal ng  pagmumukha nyo, perwisyo kayo sa mga kapitbahay nyo. Sana mangisay kayo sa pagnanakaw nyo ng -kuryente. Ito po ang mga nag-jumper: Monette, Paeng,  Abe, -Antogop. Mahiya naman kayo! – 0929748….

Solvent boys at holdaper

naglipana sa Lawton (Manila)

– Mr. Venancio, report ko po dito sa Lawton, harap ng Park ‘N Ride, ang daming naglipanang nagso-solvent, mga holdaper at snatchers dito na nakatira. Kunwari nagtatawag sila ng jeep -(barker), sa araw at gabi nanghoholdap! Hindi sila hinuhuli. Baka alaga ng mga pulis ito. Kawawa ang commuters na biktima nila laluna going Divisoria. Pls don’t publish my number. – Concerned citizen

Totoo ito. Sino ba ang hepe ngayon ng PCP-Lawton? Paki-aksiyonan lang, Sir!

Drag racing sa Brgy. Wakas,

Bocaue (Bulacan)

– Report ko po itong nagaganap na drag racing dito sa aming Barangay Wakas, Bocaue (Bulacan). Dito sa may tapat ng Dr. Yanga’s College, tapat mismo ng aming barangay hall. Talagang naging isang inutil na yata itong aming barangay chairman dito at iba pang opisyales nito. Matagal na pong nangyayari o nagaganap ang karera ng mga motorsiklo dito sa aming barangay na kinasasangkutan ng mga grupo ng kabataan na may edad 15 pataas at sa dami ng bilang ng 15 hanggang 20, grupo na pawang kabataan na galing naman ng Balagtas, Bulacan. Ang meeting  place po ng mga ito ay dito sa may barangay ng Poblacion  ng Bocaue at ang starting point nga nila ay dito sa aming barangay hall. At kapag nagkaayos na sa mga pusta ay saka sila humahagibis ng karerang  walang patumangga na lubha po namang napakaingay ng kanilang mga tambutso. Umaabot po naman ng halagang P5K pataas ang pustahan ng mga ito. Sana maaksiyunan ito ng kapulisan ng Bocaue partikular ng hepe na si Nathaniel Villegas at ng TMG-Bulacan. – 09438255…

Totoo ito. Sino ba ang mayor ng Bocaue? Responsibilidad niya ito. Kailangan pa bang magkaroon ng matinding -sakuna sa drag racing na yan ng kabataan bago kumilos ang mayor nyo? Aksyon!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *