BINATIKOS ng mga miyembro ng international media na nag-cover sa epekto ng super typhoon Yolanda sa Visayas, ang administrasyong Aquino sa mabagal na distribusyon ng relief goods para sa mga biktima ng kalamidad.
Sa post ni Anderson Cooper ng CNN sa kanyang Twitter account nitong Nobyembre 12, ‘there is no real evidence for organized recovery or relief” sa Tacloban City. ”The search and rescue never materlialized,” aniya pa.
Idinagdag niyang “it is demolition and not a construction job here.”
Ipinunto rin niyang wala siyang nakikitang malawak na Philippine military presence sa lungsod. Aniya, ang mga residente ng Tacloban ay mayroong dignidag at may karapatang tumanggap ng higit pang tulong
Sinabi naman ni Jon Donnision ng BBC, “there does not yet seem to be an effective operation to get help to those in need.” Inihayag niyang ang Tacloban City ang isa sa matinding naapektohang mga lungsod sa Visayas.
Sa press briefing sa Malacañang kamakalawa, aminado si Cabinet Secretary Jose Rene Almendras na “there have been some difficult comments also from the international press, pero okay lang ‘yon, ganyan ang buhay e. All I can say is we don’t claim to be perfect.”
“We are really trying our very best and so far the things we are doing seem to be effective. It’s just that we have not seen anything at the magnitude that we are seeing now. We were talking of a few thousand families in ‘Pablo.’ This is hundreds of thousands already, so the magnitude po is big,” aniya.