Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-mayor patay misis, apo sugatan sa ambush

ZAMBOANGA CITY – Patay ang dating municipal mayor ng bayan ng Tungawan sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay na si Arsenio Climaco matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang suspek sa highway ng Brgy. Guiwan sa Zamboanga City.

Ayon kay C/Insp. Elmer Acuna, hepe ng Tetuan police station 5, nangyari ang pamamaril bago magtanghali kahapon habang minamaneho ng dating alkalde ang kanilang Pajero at katabi niya ang kanyang nasugatang misis na kinilalang si Helen Climaco at apo na si Sherlimar Climaco.

Base sa ilang nakakita sa insidente, isang lala-king nakasuot ng jacket at nakasakay sa motorsiklo ang responsable sa pamamaril gamit ang caliber .45 pistol na agad din nakatakas.

Pasado 1 p.m. kahapon nang idineklara ng mga doktor na binawian na ng buhay ang dating alkalde habang pilit na isinasalba sa isang pribadong ospital.

Nasa intesive care unit (ICU) naman ngayon ang batang biktima na may malubhang tama ng bala.

Nabatid na dalawa pang menor de edad na nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan ang maswerteng hindi tinamaan ng bala at kasaluku-yang nasa kustodiya ng pulisya.

Ang namatay na dating alkalde ay pamangkin ng kasalukuyang mayor ng Tungawan na si Randy Climaco.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …