Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Antiques, good or bad feng shui

ANG items mula sa antique stores o estate sales ay may taglay na malakas na enerhiya mula sa dating may-ari ng mga ito. Ito ay uri ng enerhiya na nakatatak sa mga ito at mayroong kasaysayan na nangyari sa lugar kung saan dating nakalagay o naka-display.

Ito ay partikular sa antique mirrors, gayundin sa mga kama. Kaya ang ibig bang sabihin ang antique mirror o antique bed sa inyong bahay ay bad feng shui?

Bad feng shui ba ang pagbili ng items mula sa antique stores o estate sales?

Hindi bad feng shui na bumili ng items mula sa antique stores o estate sales. Dito ay makabibili ka ng magagandang bagay na maaaring nababagay sa inyong bahay, sa murang halaga.

Gayunman, ang items mula sa antique stores at estate sales ay nagtataglay ng malakas na enerhiya mula sa dating may-ri ng mga ito.

Kung ang item ay inilagay sa lugar na may good feng shui energy, maswerte ka, at kung ang item ay may taglay na negative vibration, maaaring ma-pollute nito ang enerhiya ng inyong bahay.

Mayroong ilang physical objects na sumisipsip nang higit na enerhiya kaysa ibang items. Halimbawa, ang mga bagay na yari sa glass o reflective materials, katulad ng glass, silver o pewter ay sumisipsip ng mas kaunting enerhiya kaysa non-reflective materials, katulad ng wood, clay, o heavy, thick fabrics.

Kaya mainam na iwasan ang pagbili ng antique bed o sofa, halimbawa, maliban na lamang kung ipaaayos mo ito upang magmukhang bago.

Mainam din kung lilinisin mo ang enerhiya ng items mula sa antique stores o estate sales, upang matiyak na hindi ka magdadala ng questionable energy sa inyong bahay, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng space clearing.

Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NCRAA Pato Gregorio Buddy Encarnado

DLSU-Dasmariñas, U-Luzon panalo sa pagbubukas ng NCRAA Season 32

DASMARIÑAS, CAVITE — MAGKASALO sa spotlight ang DLSU-Dasmariñas at University of Luzon matapos kapwa magwagi …

Bravo Advocacy Awards Cecille Bravo

Bravo Advocacy Awards ni Cecille Bravo inilunsad 

MATABILni John Fontanilla INILUNSAD sa katatapos na Huwarang Filipino Awards, Outstanding Men and Women, at Outstanding Youth …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

Miro Quimbo Bojie Dy

Liderato ng Kamara pabor more power kay PBBM vs pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng suporta si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa layunin …

Kamara, Congress, money

Ika-tatlo at ika-apat na impeachment complaint “sufficient in form”

ni Gerry Baldo IDINEKLARANG sufficient in form ng House Committee on Justice ang ikatlo at …