Monday , November 25 2024

Ang pinsala ni Yolanda ay hindi mareresolba sa tit for tat na propaganda

00 Bulabugin JSY

IMBES pasalamatan si CNN reporter Anderson Cooper sa kanyang pag-uulat sa tunay na kalagayan ng mga kababayan natin sa Tacloban, ‘e nagbalat-sibuyas si Ms. Korina Sanchez at nagpakataklesang sinabi na, “Itong si Anderson Cooper, sabi wala (daw) government presence sa Tacloban. Mukhang hindi niya alam ang sinasabi niya. (This Anderson Cooper, he said there is no government presence in Tacloban. It seems he doesn’t know what he is saying.)”

Hindi natin alam kung nasa stage of denial pa si Ms. Korina Sanchez dahil bilang Filipino ay hindi pa rin ba niya matanggap ang naganap sa Tacloban?!

O talagang gusto lang niyang i-DENY ang tunay na sitwasyon sa Tacloban dahil naroroon ang kanyang esposo na si SILG Mar Roxas at ayaw niyang magkaroon ng imahe na ‘inutil’ bilang isa sa mga nangungunang lider ng bansa.

Bilang isang mamamahayag (anchor-commentator-news reader) hindi dapat ganito ang naging reaksiyon ni Ms. Korina.

Sa isang sitwasyong gaya ng nangyayari ngayon sa Tacloban, kailangan ng mga nasa pamahalaan ang isang mapagkakatiwalaang source gaya ng ginagawang pag-uulat ni Cooper.

Hindi ba isang positibong bagay na nalaman nila kay Cooper kung ano ang tunay na sitwasyon sa Tacloban at kung ano ang tingin ngayon ng mga biktima/survivor, ng buong bansa at ng international community sa gobyerno at sa administrasyon ni Pangulong Benigno S. Aquino III?!

Ang isang FACTUAL NEWS STORY ay dapat bang sagutin ng isang REAKSIYONG PIKON?!

Totoong dapat tayong magkaisa, at iyon ang nangyayari ngayon. Maraming tumutulong sa abot ng kanilang makakaya, kaya nga tanong ng maraming nagtataka, bakit hanggang ngayon ay sandamakmak ang nagrereklamong mga biktima/survivors na tila wala pa rin nakararating sa kanilang tulong?

Nang magdeklara ng State of National Calamity si PNoy, inasahan natin na magiging mabilis na nga ang pagtulong. Pero lumalabas lang na hungkag ang State of National Calamity na ‘yan dahil hindi naman nailinaw kung ano ang papel ng bawat pangunahing ahensiya ng pamahalaan para bumilis ang pagtugon sa EMERGENCY SITUATION ng mga nasalanta.

Yes, dear readers, hanggang ngayon po ay hilahod pang makatugon sa ‘emergency situation’ (anim na araw na po mula nang manalanta si Yolanda – Nobyembre 8) ang ‘state of national calamity’ ni PNoy.

Kung seryoso ang ‘state of national calamity’ ni PNoy dapat ‘e doon na mismo sila sa lugar (Tacloban) nag-CABINET MEETING o kahit sa CEBU man lang para mas malapit na sila sa Tacloban. Mas mabilis na ang magiging pagtugon.

Uulitin ko po, EMERGENCY SITUATION pa lang ito. Hindi pa po ito ‘yung rebuilding, rehabilitation at restoration.

Ibig sabihin po natin ng emergency ‘e ‘yung saan pansamantalang dadalhin ang mga tao habang nililinis ang kontaminadong lugar (‘yung kinaroroonan ng mga hindi pa nalilinis na mga bangkay) at kung paano ihahatid sa huling hantungan ang mga namatay na biktima, identified man o hindi.

Paano ipo-provide ang pagkain at inumin sa araw-araw ng mga survivor. Saan gagawin ang stressed debriefing para sa mga naulila lalo na sa hanay ng mga bata, mga babae at matatanda.

At paano sila tutulungan sa rekonstruksiyon ng kanilang mga tahanan. ‘Yan po ang ‘emergency situation’

Dumating na ang iba’t ibang tulong mula sa Tzu Chi Foundation, US, Japan, UK, Turkey, France … at dumarami pa ang darating … pero hindi pa nakapag-uumpisa ang ‘state of national calamity’ ni PNoy.

Mauunahan pa siya ng mga international aid.

Ms. Korina, ‘yan ‘lang’ ang ibig sabihin ng ULAT ni COOPER.

Mas maigi pa siguro na bigyan mo ng inspirasyon si SILG Mar para naman bumilis ang kanilang AKSYON kaysa makipagsagutan ka kay Cooper.

Hindi makukuha sa TIT FOR TAT na propaganda ang pagpapaganda ng imahe ng iyong ESPOSO at ng administrasyon ni PNOY.

Kapag nakita at naramdaman na ng mga SURVIVOR ang sinasabi ninyong may GINAGAWA ang GOBYERNONG ito, ‘yun na ‘yun.

Hindi ninyo masisisi si COOPER nang iulat niyang, “no real evidence of organized recovery or relief effort coming from the Philippine government …” at tapusin ang kanyang report sa … “Here, misery is beyond meaning,” dahil marami nang nakitang ganito si COOPER sa ibang bansa pero mabilis ang aksyon ng gobyerno.

Paalala lang din sa administrasyon, huwag ninyong awatin ang mga nagsasalita, magtrabaho at kumilos na lang kayo para maging positibo ang feedback sa inyo.

Tama kayo, kailangan natin magtulungan, pero bilang nasa pamahalaan kayo ang dapat manguna at dapat ay nasa inyo ang SENTRO NG COMMAND.

D’yan ninyo palabasin ang galing ni Secretary Roland Llamas!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *