Monday , December 23 2024

6 patay, 44 sugatan sa EDSA loading zone (MGP Bus sinalpok ng Elena Bus)

ANIM ang patay makaraang araruhin ng pampasaherong bus ang loading bay sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) sa Magallanes, Makati City kahapon ng umaga.

Sinabi ni Makati City police chief, Supt. Manuel Lucban, Jr., sinalpok ng Elena Liner Bus (TXN 191) ang MGP Trans bus (NXV 350) at sinagasaan ang ilang pasahero sa loading bay sa EDSA-Magallanes southbound lane. Limang babae at isang lalaking naghihintay ng masasakyan ang namatay noon din, pagkompirma ng doktor mula sa Ospital ng Makati na nagresponde sa insidente. Lima sa kanila ang agad binawian ng buhay habang isa ang nalagutan ng hininga sa pagamutan. Sinabi ni Lucban, kabilang sa grabeng nasugatan sa insidente ang driver ng Elena bus. Umabot sa 44 biktima ang mga sugatan, kabilang ang mga pasahero ng bus na dumanas ng pagkabali ng mga buto, ayon sa ulat ng Makati City Police.

Bunsod ng insidente, bumagal ang daloy ng mga sasakyan sa erya.

(M. ALCALA/J. GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *