Wednesday , April 2 2025

Big 5 fugitives dakpin na — De Lima

ITO ang mariing hamon ni Justice Secretary Leila de Lima sa National Bureau of Investigation sa kanyang talumpati sa 77th anniversary ng NBI.

Ayon kay De Lima, dapat nang arestohin ang tinaguriang Big 5 na kinabibilangan nina dating Palawan Governor Joel Reyes, dating Coron Mayor Mario Reyes, dating Maj. Gen. Jovito Palparan, Globe Asiatique Developer Delfin Lee at dating Dinagat Representative Ruben Ecleo.

Kasama rin sa ipinaaaresto sina dating Police Supt. Cesar Mancao at Reynald Lim, kapatid at kapwa akusado ni Janet Lim Napoles sa kasong serious illegal detention na isinampa ng pangunahing whistleblower sa pork barrel scam na si Benhur Luy.

Partikular na ipinarating ng kalihim ang kanyang kautusan sa Intelligence Division ng NBI na pinamumunuan ni Deputy Director Reynaldo Esmeralda. (L. BASILIO/B. JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

PINATAWAN ng 90-araw suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya sa pagmamaneho ng SUV …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *