Friday , November 15 2024

Ano ba silbi ng National State Calamity status?

00 Bulabugin JSY

SABI ni Pangulong Benigno S. Aquino III, bibilis daw ang ‘TULONG’ sa mga nasalanta ng YOLANDA kapag idineklara niya ang NATIONAL STATE OF CALAMITY.

‘E kailan ba niya idineklara?

At anong petsa na?

Limang araw na ang nakalilipas mula nang manalanta si Yolanda, pero hanggang ngayon ay isa pa rin ang daing ng mga kababayan natin sa Capiz, Iloilo, Samar, Tacloban, Ormoc at iba pang bayan sa Leyte … wala pa rin silang natatanggap na tulong mula sa gobyerno.

Ang tulong na natanggap nila ay mula sa ilang pribadong sektor na alam naman natin na limitado rin.

Bukod sa kontaminado na ang nasabing mga lugar dahil sa mga nagkalat na bangkay, wala silang koryente, wala silang tubig at higit sa lahat wala silang makain.

Nilusob umano ng mga biktima ni Yolanda ang isang mall, ang ilang tindahan at isang bodega ng bigas ng National Food Authority (NFA) pero imbes malutas ang kanilang problema sa pagkain at tubig ‘e nagkaroon ng gulo at walo ang namatay sa stampede.

Ang tanong lang natin ‘e ganito, “Ano ang silbi ng National State of Calamity kung namamayani ang kaguluhan?”

Delikado ang pagdedeklara ni PNOY ng National State of Calamity kung hindi naman ito kayang KONTROLIN ng gobyerno.

Maraming mensahe ang nakararating sa inyong lingkod.

Ang isa umano sa dahilan kung bakit hindi agad nakaaabot sa mga benepisaryo ang tulong at relief operations ay dahil nangangamba ang military na mapunta umano sa New Peoples Army (NPA) ang mga goods.

Sonabagan!

National State of Calamity, namimili ng bibigyan ng relief goods?!

Ayon nga sa isang blog na nabasa natin, “Relief goods are not being well distributed. No rescue team. Ni wala kang makikitang sundalo. Kung meron man, nasa airport nakatunganga. Hence, still no food, water, gas and basic necessities here. ‘Yan ang main reason bakit rampant ang looting dito. Again, wala pang mga relief goods na naibibigay. Ilang araw na wala pa rin. Kung meron man ay mabagal ang dating!

People are starving but not killing each other, so pls stop that bullshit news na mga tao raw dito nagkakasakitan na at mga taga-Manila pinagkakaguluhan ‘pag malamang may food. I’ve been walking for 2 days now, with water and food. Walang humarang sakin. I have to voluntarily share my food and they would thank me. Some would offer us a ride, ‘yung mga may vehicle, pero rarely lang mangyari kasi walang gas dito. Gov’t officials, stop bragging na may more than enough relief goods and rescue team! That is bullshit!

“Mga sundalo rito ang may supply ng water at food. Mga locals wala. Nakipag-barter na nga lang ako ng food ko in exchange for his water kasi wala na akong tubig. Wala. Hindi naman nag-iikot and media rito. Ewan nasan mga yun. Passable na ang roads. Di ko gets bakit hindi madistribute yung relief goods. I’m at the city hall right now. Nakaimbak sa loob, karton-karton na tubig, pero hindi kami binibigyan. Pero mga sundalo meron. Punyetang gobyerno!”

Nasaan ang CRISIS MANAGEMENT matapos ideklara ang National State Calamity?!

Ayaw natin manisi o mamuna pero sa totoo lang, tayo ngang wala roon sa aktwal na sitwasyon ay napapagod, nadedesmaya at umiiyak, ‘yun pa kayang mga tagaroon na hindi na alam kung anong gagawin sa buhay nila?!

IPATUPAD ang tunay at totoong NATIONAL STATE OF CALAMITY!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *