Sunday , December 22 2024

Tacloban airport sinugod ng survivors

111313_FRONT
TACLOBAN – Libo-libong Yolanda survivors ang sumugod sa paliparan ng lungsod sa pagnanais na makalipad, ngunit ilang daan lamang ang nakasakay, habang patuloy ang nagaganap na karahasan bunsod ng kakulangan sa pagkain at tubig, at nagkalat na mga bangkay.

Binuksan na ang paliparan nitong Lunes ngunit para lamang sa turboprop planes. Tanging ang Philippine Airlines lamang ang nag-resume ng commercial flights.

Wala pa rin koryente at marami ang nagugutom at walang matirahan ang mga residente, mas naging mapanganib ang lungsod lalo na sa gabi, bunsod ng nagaganap na panloloob sa mga grocery store. Ilang survivors na rin ang napaulat na nanloob sa mga subdibisyon.

Apat na araw makaraan ang pananalasa ng super typhoon Yolanda, nagsisimula pa lamang dumating ang mga tulong. Tinaya ng mga awtoridad na mahigit 10,000 ang namatay sa kalamidad habang 660,000 ang nawalan ng tirahan.

HATAW News Team

Sa record ng NDRRMC
DEATH TOLL SA YOLANDA UMAKYAT SA 1,774

KINOMPIRMA ng pamahalaan kahapon na halos 2,000 na ang bilang ng mga namatay sa hagupit ng bagyong Yolanda sa Visayas.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bago magtanghali kahapon ay nasa 1,774 na ang bilang ng mga kompirmadong namatay, nasa 82 ang nawawala, habang 2,487 ang mga nasugatan.

Karamihan sa mga namatay ay mula sa Region 8, na kinabibilangan ng Tacloban at ilang mga bayan sa Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Western Samar, Southern Leyte, Ormoc City, Baybay City, Maasin City, Calbayog City, Catbalogan City, Borongan City maging sa Central at Western Visayas.

BUNK HOUSESNG 45,000 PAMILYA INAPURA

IPINAMAMADALI na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pagtatayo ng bunk houses para sa 45,000 displaced families sa Tacloban City.

Sinabi ni Pangulong Aquino, ang pagliligtas sa buhay ng mga biktima at maka-recover sa trahedya ang pangunahing prayoridad ng gobyerno.

Dahil dito, ipinag-utos ng Pangulo ang pagtatayo ng bunk houses bilang pansamantalang tirahan ng mga biktimang nawalan ng mga bahay dahil sa bagyo, sa lalong madaling panahon.

Bahagi aniya ito sa inilaang pondo na P18.7 bilyon para sa rehabilitasyon ng mga lugar na tinamaan nang husto ng bagyong Yolanda.

PALASYO NAGPASAKLOLO SA PINOYS ABROAD

UMAPELA ang Palasyo sa mga kababayan nating naninirahan sa ibang bansa na “mag-ampon” ng mga proyektong pang-impraestruktura upang mapabilis ang pagbangon ng mga lugar na labis na nasalanta ni super typhoon “Yolanda.”

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, batid naman ng lahat na maraming rehabilitasyon ang dapat gawin, tulad ng konstruksyon ng mga paaralan, health centers, barangay hall at iba pa, kaya malaking tulong kung mapagtuunan ito ng pansin ng international Filipino communities.

(ROSE NOVENARIO)

RELIEF OPS BIBILIS SA STATE OF NAT’L CALAMITY — PNOY

AMINADO si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na nahihirapan ang national government para madala ang kinakailangang relief goods sa mga biktima ng bagyong Yolanda partikular sa Tacloban at ibang bahagi ng Visayas.

Aniya, ito ang dahilan kaya idineklara niya ang state of national calamity sa pamamagitan ng Proclamation 628 para mapabilis ang relief operations.

Ayon kay Pangulong Aquino, humihingi siya ng pang-unawa sa lahat kung naaantala ang pagpaparating ng tulong dahil sa pagkawala ng koryente at linyang komunikasyon na nagpapahirap sa koordinasyon ng government agencies.

Nahihirapan aniya ang gobyerno na makuha ang mga datos kung ilan ang nasalanta dahil maging ang mga lokal na opisyal ay biktima na rin ng kalamidad.

P2-B INT’L RELIEF AID  NATANGGAP NG PH

UMABOT na sa mahigit P2-bilyon ang natanggap na international assistance ng Philippine government para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Ngunit ayon kay Department of Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez, ang nasabing halaga ay “financial aid” pa lamang at hindi pa kasama ang in-kind donations at rescue personnel na tumutulong sa nagpapatuloy na relief at rescue operations.

Una rito, nag-deploy na rin ng military aid ang Gran Britanya para tumulong sa relief and recovery operations sa mga sinalanta ng super typhoon Yolanda sa Filipinas.

Sinabi ni British Prime Minister David Cameron, patungo na sa bansa ang barkong pandigma ng Gran Britanya na HMS Daring.

Ang HMS Daring ay isang destroyer na ngayon ay naka-deploy sa Singapore ngunit inatasang tumulong muna sa relief effort sa Filipinas.

Bukod sa barkong pandigma, nagpadala rin ang London ng C-17 transport planes ng Royal Air Force.

Mula sa 6 million pounds, itinaas pa ng United Kingdom sa 10 million pounds ang tulong na ibinigay sa Filipinas. Una nang idineploy ng Amerika ang aircraft carrier nito na USS George Washington kasama ang tatlo pang escort vessels, para tumulong sa Filipinas.

Bukod dito, nasa 180 US Marines din ang nasa bansa para tumulong sa search and rescue at nilagyan ng mga equipment ang Tacloban airport upang maging operational ito 24 oras.

Bukod sa A$10 million na ibinigay ng Australia, nagpadala rin sila ng mga medical at disaster experts.

KOMPISKADONG SMUGGLED  GOODS ITUTULONG –BOC

IPINAG-UTOS ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Rozanno “Ruffy” Biazon ang pag-imbentaryo sa mga kompiskadong kontrabando sa iba’t ibang puerto sa bansa upang malaman kung alin ang maaaring ipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga biktima ng super bagyong “Yolanda.”

Sinabi ni Biazon, hindi siya magdadalawang-isip na maglabas ng milyong halaga ng smuggled na bigas, pagkain at maging construction materials at segunda-manong damit upang makatulong sa relief efforts na ginagawa ng gobyerno.

Dagdag ng BoC chief, sa oras na matapos ang ahensya sa pag-imbentaryo ay maaari nang i-turnover sa DSWD ang mga kompiskadong goods para ipamahagi sa mga pamilyang nasalanta ni Yolanda.”

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *