Monday , December 23 2024

Pulis-Maynila itinumba vendor nadamay

DALAWANG tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang pulis Maynila habang nadamay ang isang vendor matapos barilin ng hindi pa nakilalang suspek habang naki-kipagkwentohan sa mga vendor sa Binondo, Maynila.

Binawian ng buhay habang dinadala sa Mo-ther and Child Hospital ang biktimang si SPO4 Antonio Castillo, 55, nakadestino sa Miesic Police Station 11, at residente ng #265 Zaragosa Street, Tondo, Maynila.

Habang nilalapatan naman ng lunas sa Metropolitan Hospital si Romulo Jacinto, 36, vendor, ng #1849 Mayhaligue Street, Sta. Cruz, Maynila, tinamaan ng bala sa pige.

Mabilis na tumakas ang suspek lulan ng motorsiklong walang plaka.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Rommel del Rosario, dakong 9:30 a.m. nang maganap ang insidente sa Tambacan Street, corner Ongpin Street, Binondo.

Nabatid na kausap ni Castillo ang mga vendor nang lapitan ng hindi nakilalang suspek at walang sabi-sabing pinaputukan ng dalawang beses sa katawan ang biktima ngunit minalas na tamaan ng bala si Jacinto.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa pamamaril.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *