Monday , December 23 2024

Pekeng lespu tiklo sa kotong

SWAK  sa kulungan ang isang lalaki makaraang magpanggap na traffic police at mahuli sa aktong nangongotong kahapon sa Quezon City.

Kinilala ni SPO4 Raymundo Layug ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector-1, ang suspek na si Jomar Ablay, 44, may-asawa, ng Old Sta. Mesa, Maynila.

Inireklamo ang suspek ng mga complainant na sina Armando Torred, 33, driver ng delivery van, at Ryan Llorate, 26, pahinante, pawang mga residente ng San Juan City.

Ayon sa ulat ng pulisya, nadakip ang suspek dakong 9:30 a.m. sa kanto ng A. Bonifacio at Sgt. Rivera St. sa nasabing siyudad.

Nabatid na nagsagawa ng operasyon ang pulisya laban sa suspek dahil na rin sa mga reklamong kanilang natatanggap hinggil sa pangongotong.

Eksakto namang naaktohan ng mga ope-ratiba ang suspek na nakasuot ng Type-B uniform ng PNP habang kinokotongan ng halagang P500 ang mga biktima kaya’t agad siyang inaresto.

(JETHRO SINOCRUZ)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *