UMAPELA si Senador Francis Escudero sa government and private financial institutions na magpatupad ng moratorium sa paniningil ng utang, interest at iba pang bayarin sa mga biktima ng bagyong Yolanda at magnitude 7.2 na lindol.
Tinukoy ni Escudero, chairman ng Senate Committee on Finance, sa kanyang apela ang GSIS, SSS, Pag-IBIG fund, Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.
Aniya, dapat isama sa moratorium ang mga public corporation at mga local government unit upang makapag-concentrate sa rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng mga kalamidad.
Pinatitiyak naman ni Escudero sa insurance commission na may pambayad ang mga insurance company sa mga claimant
Aminado si Escudero na isa sa kanyang ipinangangamba ay ikatwiran ng mga insurance company na kakapusin ang kanilang pondo dahil sa dami ng claimants.
Kasunod nito ay nagbigay na rin ng briefing si Escudero hinggil sa pagsuko ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng nakararaming senador. (CYNTHIA MARTIN)