INAALAM na ng Philippine Consulate ang ulat na may 600 Filipino workers ang nasa detention facilities nga-yon sa Saudi Arabia, sa gitna nang ipinaiiral na crackdown ng Saudi government sa illegal at undocumented foreign workers.
Ayon sa ulat, ina-resto ng Jeddah police at immigration officials ang mga OFW kabilang ang ilang mga bata sa Rehab area.
Binanggit din sa report na isinakay ang mga OFW sa 12 bus at dinala sa isang deportation center sa Makkah.
Sa panig ni Philippine Consul General Uriel Garibay, tiniyak niyang patuloy ang ginagawang “arrangements” ng pa-mahalaan sa Saudi Fo-reign Ministry para ma-tulungan ang mga stran-ded Filipino workers na makauwi agad sa Filipinas.
“About 600 Filipinos were shifted to the deportation center in Makkah by authorities and we are now working on arrangements to transport the remaining stranded OFWs to the same center,” ayon sa pahayag ni Garibay sa report ng Arab News.