Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

15 senador pabor sa ‘pork’ abolition

UMABOT na sa 15 senador ang nagpahayag ng pagsang-ayon sa total abolition ng Priority Development Assistant Fund (PDAF) o pork barrel.

Ayon kay Senate Finance Committee Chairman Francis Escudero, kinabibilangan ito nina Senate President Franklin Drilon, Senators Koko Pimentel, Loren Legarda, Bam Aquino, Serge Osmena, Grace Poe, Nancy Binay, Cynthia Villar, Tito Sotto, Bongbong Marcos, Sonny Angara, TG Guingona, Gringo Honasan, at kanyang sarili

Ang mga nabanggit ayon kay Senador Escudero ay nagsumite sa kanya ng liham para sa total abolition ng 2014 PDAF, ibig sabihin, buburahin sa 2014 proposed national budget ang kanilAng PDAF allocation at aawasin sa pambasang budget.

Si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, bagamat wala pa aniyang pormal na liham, ay nagpahayag mismo kay Escudero ng kaparehong paninindigan na abolisyon ng PDAF.

Samantala, apat naman ang naghain ng panukala para sa amendment o re-allignment ng kanilang PDAF, kinabibilangan ito nina Senador JV Ejercito, magkapatid na Alan Peter at Pia Cayetano, at Senador Antonio Trillanes.

Si Senador Lito Lapid naman, mananatili ang kanyang pork barrel para sa apat na ahensya gaya ng DoH, DOLE, CHED, at DSWD.

Sa ngayon ay hinihintay pa rin ni Escudero ang position letter nina Senators Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Ralph Recto.

Si Senador Miriam Defensor Santiago ay nilinaw na re-alignment at ilalaan niya ang kanyang PDAF sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …