Monday , December 23 2024

1 dedbol, 2 sugatan sa videoke rambol

TINUTUGIS ngayon ng mga tauhan ng Las Piñas City Police ang tatlong lalaki na sangkot sa suntukan at pamamaril sa videoke bar na ikinamatay ng isang lalaki at ikinasugat ng dalawa pa sa Las Piñas City kamakalawa.

Nahaharap sa kasong murder, frustra-ted murder at physical injuries ang arestadong mga suspek na sina Christopher Tagle, 24, at Jerson Dimaranan, pawang ng #395 Molino 3, Bacoor, Cavite.

Patuloy naman pinaghahanap ang mga nakalalaya pang mga suspek na sina Jessie dela Cruz, Felipe Esquerra at alyas Rex ng Molino 3, Bacoor, Cavite.

Namatay sa insidente si Jonathan Pucio, 25, ng Medina Compound, Brgy. Ta-lon 4, Las Piñas, habang sugatan ang Indian national na si Ryan Singh, 25, ng Brgy. Talon 5, at ma-ging ang suspek na si Tagle.

Base sa ulat ng pulisya, dakong 2 a.m. pawang umiinom ng alak ang mga biktima at suspek sa loob ng R-75 KTV Bar sa Marcos Alvarez Avenue, Brgy. Talon 5, nang magkaroon ng pagtatalo ang dalawang grupo sa hindi mabatid na dahilan.

Ang pagtatalo ng grupo ay nauwi sa suntukan hanggang magbunot ng baril ang grupo ng mga suspek at nagpaputok. Tinamaan ng bala sina Pucio at Singh gayundin ang suspek na si Tagle.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *