Thursday , January 9 2025

Suspensyon kay Sabio kinatigan ng CA

KINATIGAN ng Court of Appeals (CA) ang parusang suspension  ng Ombudsman kay Chairman Camilo Sabio at apat na iba pa ng Presidential Commission on Good Governance (PCGG) na sangkot sa maanomalyang pagrenta ng mga sasakyan na nagkakahalaga ng P5.3 milyon noong 2007.

Sa 19-na-pahinang decision na isinulat ni Associate Justice Ramon Cruz (na pinaboran nina Associate Justices Noel Tijam at Romeo Barza), ibinasura ng CA 17th Division ang apela ni Sabio na kumukuwestiyon sa desisyon ng Ombudsman.

Sa naging ruling ng Ombudsman, napatunayan na si Sabio at kapwa PCGG officials na sina Ricardo Abcede, Tereso Javier, Narciso Nario at Nicasio Conti ay nagkasala sa kasong dishonesty, misconduct and conduct prejudicial to the best interest of  the service.

Ang mga opisyal ay pinatawan ng hanggang anim na buwan at isang araw na suspensiyon alinsunod sa itinatadhana ng  Section 52 (B) (2) and (A) (20), Rule IV ng  Uniform Rules on Administrative Cases in the Civil Service.

Si Sabio at mga kapwa respondent ay inatasan din na magmulta ng halagang katumbas ng anim na buwan nilang sahod na ibabawas sa kanilang retirement be-nefits.

Sa record ng korte, noong April 18, 2007, lumagda ang mga res-pondent sa kasunduan sa  UCPB Leasing and Finance Corporation para sa limang sasak-yan na nagkakahalaga ng P5,393,000.

Gayonman, nadiskubre ng Commission on Audit (COA) na ang 5 sasakyan ay hindi kabilang sa procurement plan ng PCGG sa natu-rang petsa, taliwas sa sinusunod na batas ng ahensiya na nagtatakda na kailangan lahat ng procurement ay dapat saklaw ng inapruba-hang pondo ng PCGG.

Si Sabio ay nagbitiw sa pwesto bago ipinalabas ng Ombudsman ang naturang ruling na nagpapataw sa kanya ng dismissal from the service.

Ayon sa appellate court, hindi maaaring makaligtas sa pana-nagutan si Sabio o maituring na moot and academic ang kaso nang dahil umano sa kanyang resignation.

Ayon sa CA, isinampa ang reklamo laban sa grupo ni Sabio noong June 28, 2010.

“Therefore, even if [Sabio] has resigned and [was] no longer the PCGG chairman, this does not prelude [the appeals tribunal] from determining his administrative liability for the acts charged against  him,” paliwanag ng CA.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *