MASUSING pinag-aaralan ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pagdedeklara ng state of national calamity bunsod ng pananalasa ng bagyong Yolanda.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, masusing pag-aaralan ng gobyerno ang panukala dahil dapat matiyak na naaayon ito sa batas.
Ayon kay Coloma na ngayon ay nasa France, pangunahing konsiderasyon ang pagtugon sa kasalukuyang sitwasyon ng kalamidad.
Kasabay nito, patuloy ang pagtanggi ng Malacañang na nag-walkout ang Pangulong Aquino sa gitna ng NDRRMC briefing sa Tacloban City kahapon.
Sinabi ni Assistant Sec. Rey Marfil na kasama ng Pangulong Aquino, nag-CR lamang ang Pangulo at hindi nag-walkout.