Thursday , January 9 2025

Sekyu binoga sa mukha, todas

WALA nang buhay at duguang nakahandusay ang 21-anyos security guard nang madatnan ng kanyang karelyebo, sa binabantayang bakanteng lote,  sa Malate, Maynila,  kamakalawa.

May tama ng bala sa mukha ang biktimang si Joemar Sallote, sa bakanteng lote na kanyang binabanta-yan sa kanto ng Singalong at Francisco streets sa Malate.

Si Sallote ay empleyado ng Helenian Security Agency sa #3 Rosal St., 12th Avenue , Grace Park, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Mario Asilo ng Manila Police District – Homicide Section, dakong  7:00 ng umaga nang makitang patay na ang biktima sa binabantayan niyang bakanteng lote.

Nakahandusay ang biktima sa pagitan ng upuang plastic at mesa kung saan siya nakapwesto nang duma-ting ang kapalit sa duty na si Noel Silverio, 27 anyos.

Mismong si Silverio na rin ang nagparating sa pulisya ng insidente.

May kinakasama pero wala umanong kaaway ang biktima batay sa kanyang pagkakaalam.

Nakasukbit pa sa bewang ang service firearm na kalibre .38 pistola ng biktima nang matagpuan ng kabaro.

Isinailalim ang karelyebong si Silverio sa interogasyon.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *