Thursday , November 14 2024

P4.8-B PDAF ibigay sa quake, Yolanda victims

IMINUNGKAHI ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano kay Senador Francis “Chiz” Escudero, pinuno ng Senate Committee o Finance, na gamitin na lamang bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda at lindol sa Bohol at Cebu ang P4.8 bilyong pork barrel ng mga senador para sa rehabilitasyon at relief operations ng mga biktima ng mga kalamidad.

Nilinaw ni Cayetano na pabor siya sa tuluyang abolisyon ng pork barrel ngunit ito aniya ang tamang pagkakataon upang ilaan ang pork barrel ng mga senador sa isang kapaki-pakinabang at makabuluhang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.

Bukod kay Cayetano, kabilang din sina Senators Cynthia Villar at Grace Poe, Antonio Trillanes, Bongbong Marcos, Sergio Osmena, Sonny Angara, Vicente Sotto sa mga sumulat na kay Escudero para tuluyang ipaalam na hindi na nila tatanggapin pa o gagamitin ang kanilang pork barrel na nakalaan para sa kanila sa ilalim ng General Appropriation Act (GAA).

Maging si Escudero ay ipinaalam na rin sa lahat ng miyembro ng komite na hindi siya sang-ayon na i-abolish na ang kanyang pork.

Naniniwala naman si Senate President Franklin Drilon na mayroon pang panahon ang Department of Budget and Management (DBM) upang i-reset o baguhin ang inihain nilang panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.

Ayon kay Drilon, hanggang nasa prosso pa lamang ng debate ang Senado ay mayroon pang panahon para mabago ang panukalang pondo.

(NIÑO ACLAN)

Para umano sa Yolanda victims
SENADO NAKIUSAP  SA KORTE SUPREMA PDAF MADALIIN

NANAWAGAN at halos magmakaawa ang pamunuan ng Senado sa Korte Suprema na madaliin ang desisyon kaugnay sa legalidad ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Ito ay upang agarang magamit na para sa mga nabiktima ng mga kalamidad partikular na ang katatapos lamang na hagupit ng super typhoon Yolanda.

Ayon kay  Senate President Franklin Drilon, dapat na magkaroon agad ng agarang desisyon ang kataas-taasang hukuman kung sasang-ayonan o hindi ang pork barrel dahil kinakailangan na nila itong i-realign para sa disaster fund at upang agarang makarating ang tulong sa mga biktima ng sunod sunod na kalimidad sa bansa.

Maituturing na savings ng senado ang naka-freeze na kanilang pondo mula sa kautusan ng Korte Suprema dahil na rin sa Napoles issue matapos na kwestiyunin ng iba’t ibang grupo ang legalidad sa inihain nilang petisyon sa kataas-taasang hukuman.

(CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *