Thursday , January 9 2025

Kahera ng hotel nalansi ng holdaper

HINDI pinansin ng isang lalaki ang nakatutok na CCTV camera nang holdapin nito ang kahera ng sangay ng Sogo Hotel, sa Pasay City nitong Sabado.

Sa pahayag ng kaherang si Jeanefe Palicpic, 30, ng Zone 4, Fort Bonifacio, pasado alas 5:00 ng hapon pumasok umano sa kanilang establisyemento  sa L. Wood St., Pasay, ang suspek na nagpanggap na customer, umupo sa silya sa lobby at sinabing hinihintay lamang niya ang kanyang kasama.

Makalipas ang ilang sandali, lumapit ang suspek sa kahera, bumunot ng baril at nagdeklara ng holdap sabay bukas sa kaha at tinangay ang mahigit P18,000 na kita ng hotel bago tumakas patungong EDSA.

Sa ginawang pagrerebisa ni PO3 Gionvanni Arcinue ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police, kinilala ang suspek na si Billy Joseph Miranda, 25, ng 502 F. Cruz St., Malibay.

Ipinakita ni Arcinue kay Palicpic ang larawan ng mga nahuli na nilang holdaper at positibong kinilala ng kahera si Miranda na siyang nangholdap.

Agad pinuntahan ng mga pulis sa ibinigay na address ang suspek ngunit bigong maaresto si Miranda. (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *