Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 anak idinamay sa suicide ni tatay

HINDI kontento ang isang ama na ang buhay lamang niya ang tapusin, kaya idinamay din niya ang kanyang dalawang anak kahapon sa Lingayen, Pangsinan.

Bangkay na nang marekober ang mga biktimang si Efren Sison, 43, at dalawa niyang mga anak na may gulang na 12-anyos at 9-anyos, residente ng Brgy. Maniboc ng lalawigan.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong 9:30 a.m. sa isang ilog sa nasabing barangay.

Bago ito, tinangkang ibangga ni Efren kasama ang kanyang mga anak, ang minamanehong tricycle sa kasalubong na van ngunit hindi nagtagumpay kaya ibinangga naman ito sa kasunod na motorsiklo ngunit walang nasaktan sa kanila.

Sa puntong iyon, binuhat ni Efren ang kanyang dalawang anak at saka itinapon sa ilog bago sumunod na tumalon.

Napag-alaman na kalilibing lamang ng ina ni Efren kamakailan lamang at hinihinalang ito ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

(JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …