NALIMAS ang malaking halaga ng salapi at kagamitang naipundar ng overseas Filipino worker (OFW) nang pagnakawan ng mga miyembro ng “Akyat-Bahay Gang” ang kanyang bahay sa Taguig City, kamakaaawa.
Natuklasan ni Dexter Buerano, 33, ang pagkalimas ng kanyang mga gamit, salapi, alahas at mga dokumento sa kanyang bahay sa No. 4 Lontoc St., Brgy. Calzada, nang ipaalam ng kapatid.
Sa imbestigasyon nina PO3 Ricky Ramos at PO1 Victor Amado Biete ng Investigation and Detective Management Section ng Taguig police, umalis ang buong pamilya ni Buerano patungong Infanta, Quezon, kamakalawa.
Natangay ng mga kawatan ang 37-inch flat screen TV, nagkakahalaga ng P47,000, mga alahas may kabuuang halagang P125,000, US$1,600, P90,000 cash, passport, ATM, credit cards at mga dokumento.
(JAJA GARCIA)
AKYAT-BAHAY TIMBOG SA AKTONG PAGNANAKAW
Arestado ang isang lalaki matapos maaktohang nagnanakaw ng mamahaling gamit sa bahay ng negosyante kahapon ng umaga sa Pasig City.
Kinilala ni Pasig City chief of Police P/Sr. Supt. Mario Rariza ang suspek na si Roehl de Fiesta, 33, ng 33 Dos De Julio St., Brgy. Sumilang ng lungsod.
Sa ulat, dakong 7:00 ng umaga nang maaresto ang suspek sa bahay ni Maria Linda Serat, 46, sa #26-B De Castro Ave., Brgy. Sta. Lucia, Pasig City.
Ayon sa biktima, nakaramdam siya ng kaluskos sa 3rd floor ng kanilang bahay at laking gulat ng mag-asawa nang makita ang suspek bitbit ang electric grinder na nagkakahalaga ng P4,500.
(MIKKO BAYLON)