Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Napoles itapon sa city jail — Escudero (P150-K nasayang)

DESMAYADO ang isang senador sa kinahinatnan ng pagdalo ni Janet Lim-Napoles sa pagdinig ng Senado sa isyu ng pork barrel scam dahil hindi napiga ng mga mambabatas na ikanta ang mga kasabwat sa P10-bilyon pork barrel scam.

Ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero, sayang ang special treatment na ibinigay ng gobyerno kay Napoles na itinuturong utak sa multi-bilyong pisong scam.

“Para sa akin alam mo gumastos ang PNP ng P150,000 para dalhin siya sa Senado. Prinotektahan siya at may bullet proof vest pa, nakakulong pa sa Sta. Rosa, wala sa city jail dahil akala ng lahat lalo na noong sumuko siya kay Pangulong Benigno Aquino, magsasalita siya,” saad ni Escudero.

“Sasabihin niya ang totoo, ‘yun pala, ganyan lang ang sasabihin niya, ‘right against self-incrimination,’ ‘hindi ko maalala,’ ‘hindi ko alam.’ Kung gano’n lang din pala bakit may special treatment pa siya,” dagdag ng senador.

Naniniwala rin si Escudero na magaling si Napoles dahil nagawa niya ang anomalya.

Dahil wala rin naman aniyang banta sa buhay ng negosyante gaya ng mga unang napaulat at walang balak na magsalita,  dapat  hilingin  ng gobyerno sa Department of Justice (DOJ) na ilipat siya sa ordinaryong piitan, at huwag nang gastusan ang seguridad.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …