Thursday , January 9 2025

Nakatakas na holdaper dedo sa ops

PAMPANGA – Isa sa limang nakatakas na mga holdaper ng isang negosyante ng gulay sa City of San Fernando, ang napatay ng mga awtoridad nang manlaban sa follow-up operation sa Brgy. Quebiawan.

Binawian ng buhay ang suspek na si alyas Peter matapos makipagpalitan ng putok sa humahabol na mga pulis.

Batay sa ulat ng pulisya, 4:40 a.m. nang magsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad laban sa suspek kahapon sa abandonadong riles ng tren na sakop ng San Miguel Complex matapos inguso ng kanilang asset.

Nang mamataan ang papalapit na mga pulis ay agad nagpaputok ang suspek kaya gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa agarang kamatayan ng suspek.

Matatandaang hinoldap ng pitong armadong kalalakihang lulan ng dalawang motorsiklo at isang owner type jeep ang vegetable dealer sa naturang lungsod kamakalawa ng madaling-araw.

Sa pagresponde ng mga awtoridad ay napatay ang dalawa sa mga suspek sa palitan ng putok habang nakatakas ang lima pang mga salarin tangay ang hindi pa mabatid na halaga ng koleksyon ng mga biktima.

Kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad ang apat pang mga suspek.

(RAUL SUSCANO/

LEONY AREVALO)

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *