Sunday , November 24 2024

Economic sanctions vs PH ikinasa ng HK solons

NAGING “overwhelming” ang boto ng Hong Kong lawmakers sa panukalang pagpataw ng economic sanctions laban sa Filipinas, kaugnay sa 2010 Manila hostage-crisis.

Una rito, nagbanta ng economic sanction ang gobyerno ng Hong Kong laban sa Filipinas kapag wala anilang naging progreso sa pag-uusap ng magkabilang panig sa nangyaring Manila hostage incident noong 2010.

Ayon kay Hong Kong leader Leung Chun-ying, dapat gumawa ng kongkretong hakbang ang Philippine government sa madaling panahon.

“I declare that unless we obtain steady progress within a month, the (Hong Kong) government will take necessary sanctions action,” ani Leung.

Bagama’t hindi tinukoy ng Hong Kong leader kung ano ang partikular na sanction na balak ipataw sa Filipinas.

Nabatid na humihirit ng kompensasyon at apology mula mismo kay Pangulong Benigno Aquino III ang Hong Kong government, sa pagkamatay ng walo nilang kababayan matapos i-hostage ng sinibak na pulis na si Rolando Mendoza ang bus na sinasakyan ng mga biktima.

Ngunit una nang nanindigan si Pangulong Aquino na hindi magso-sorry sa Hong Kong.

Giit ng Palasyo
PNOY, HK CHIEF EXECUTIVE MAY MAIISIP PANG SOLUSYON

NANINIWALA ang Palasyo na sina Pangulong Benigno Aquino III at Hong Kong Chief Executive Chun-ying Leung ay may kakayahang maka-hanap ng solusyon para makamit ang pinakamataas na interes at kapakanan ng kanilang mamamayan, Ito ang reaksyon ng Palasyo sa ulat na bumoto na ang mga mambabatas ng Hong Kong na pabor sa pagpapatupad ng economic sanctions laban sa Filipinas at pagkansela sa visa-free entry ng mga Filipino dahil sa 2010 Luneta hostage crisis.

“Sa pakikipag-ugnayan po ng mga bansa, ang pinakamataas na opisyal ng ating bansa ay ang Pangulo, sa kanila naman ay iyong Chief Executive. Sa pagtingin po natin, kung mismong ang pinakamataas na opisyal na ng bawat panig ang kumikilos at nangunguna doon sa pagkilos, makatitiyak naman po siguro ang mga mamamayan ng magkabila —Filipinas at Hong Kong — na ang hinahanap talagang solusyon ay para sa pinakamataas na interes at kapakanan ng kanilang mga mamamayan,” giit ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma, Jr.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *