Nagresign na pala si Ret. Gen. Algier Tan, ang Hepe ng Airport Police Department.
Base sa information na nakalap ko, hindi daw yata napagbigyan ni Gen. Tan ang dalawang maimpluwensiyang tao (kamaganak Inc.) na may isinaling bidder na natalo sa bidding tungkol sa security camera (CCTV) ng airport.
Napikon daw ‘yung infuential person kaya hiningi ang kanyang ulo.
At ang masama pa daw, ay ginawan siya ng intriga at napagbintangan na ni-rig nya ang bidding, kaya natalo yung bata ng maimpluwensiyang tao.
Kasama siya (BAC) sa mga isinailalim sa lie detector na isinagawa ng NBI several months ago.
Negatibo daw ang naging resulta ng polygraph test in so far as those who were subjected to it, kasama si Gen. Tan. Parang na-vindicate siya!
Kaya noong nagkaroon ng isang MIAA ManCom, pormal na inihain ni Gen. Tan ang kanyang irrevocable resignation.
According to him, kapag nagkaroon na ng lamat ang pagsasama betweng co-peers, mahirap na itong maibalik sa dati.
Ayaw daw niyang mapagsuspetsahan pa siya ng kung ano ano.
Tama lang ang ginawa ni Gen. Algier Tan.
Ipinakita lang niya na siya ay may prinsipyo at delicadeza.
Kaya naman sumasaludo ako sa kanya!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com