PANATAG NA ANG LOOB NI MARIO SA PAMAMA-LAKAYA NANG BIGLANG MAY PUMITSERA SA KANYA PARA HULIHIN
Bago mag-umaga ay nasa bayba-ying-dagat na ang grupo ng mga kalalakihang kinabibilangan niya. Pinagpaparti-partehan nila ang mga isdang huli sa lambat. Kung anuman ang para sa kanya, nagtitira lang siya ng ilang pirasong pang-ulam sa bahay. At pagkaraa’y ibinebenta na niya ang lahat sa mga namimili ng isda sa aplaya.
Sa laot, panatag ang kalooban ni Ma-rio. Nalilibang siya sa pamamalakaya. Tuwang-tuwa siya kapag sa pag-aahon ng lambat ay pagkarami-raming isda ang nagkikislutan. Nalilimutan niyang isa si-yang pugante na pinaghahanap ng batas.
Ngunit kapag nasa kalupaan na siya, ang takot ay tila multong bumubuntot-buntot sa kanya. Kahit walang tulog sa magdamag ay hindi siya makatulog. Nagtuluy-tuloy ang kawalan niya ng gana sa pagkain.Malaki ang ibinagsak ng katawan niya. Nabawasan din ang dati niyang sigla maging sa piling ng pamilyang pinag-uukulan ng mga pangarap, buhay at lakas. Siya ang biktimang nagdurusa sa masamang kapalarang sinapit ng isang Lerma Montes na biktima ng rape-slay.
At pagkaraan nga lang ng halos wala pang isang buwan, ang pinangingilagan niyang “multo” ay nagkatawang-tao.
“Arestado ka, Mario dela Cruz,” singhal kay Mario ng lalaking pumitsara sa tirante ng kanyang kulay-lumot na kamisa-tsino na may mahabang manggas. (Itutuloy)
Rey Atalia