PUWEDE sanang makakuha ng manlalaro sa first round ng nakaraang 2013 PBA Rookie Draft ang Petron Blaze matapos na ipamigay sina Mark Isip at Maggi Sison sa Barako Bull kapalit ng No. 5 pick overall.
Pero hindi na namili pa ng rookie ang Boosters.
Sa halip ay ipinamigay din nila ang No. 5 pick sa Global Port kapalit ng incoming sophomore na si Yousif Taha.
Magandang move na rin iyon considering na wala nang ibang blue chip big man na natitira sa mga aplikante matapos na makuha sina Gregory Slaughter, Ian Sangalang at Raymund Almazan.
E, ang immediate na kailangan ng Petron ay isang back-up para kay June Mar Fajardo na tiyak na lalong huhusay sa darating na season.
At puwede itong gampanan ni Taha. Malaki si Taha sa height na 6-8. Pisikal din siyang maglaro. Marahil, sa poder ng Petron ay lalabas na ang tunay niyang husay.
Kasi naman noong isang taon ay tatlong teams ang kanyang pinaglaruan sa kanyang unang season sa PBA. Nagsimula siya sa Air 21, nalipat sa Barangay Ginebra bago napunta sa Global Port.
Kumbaga’y hindi siya nabigyan ng pagkakataong makapag-adjust nang husto sa kanyang team. Paiba-iba ang kanyang mga kakampi, paiba-iba ang kanyang mga coaches, paiba-iba ang mga sistemang pinagaaralan niya.
At rookie pa nga lang siya noon.
Ang hirap nun ah! Para kang estudyanteng paiba-iba ng eskuwelahan sa Grade One.
Hindi naman malaki kaagad anghinihingi sa kanya ngOetron. back-up lang naman ni Fajardo, e. So hindimabigat ang kanyang papel.
Pero kung pabibigatin man ni coach Gelacio Abanilla, siguradong kakayanin naman niya iyon.
Palban na rin ang gitna ng Petron!
Sabrina Pascua